Foton Tornadoes tatangkaing dungisan ng F2 Logistics Cargo Movers | Bandera

Foton Tornadoes tatangkaing dungisan ng F2 Logistics Cargo Movers

Angelito Oredo |November 15,2016
facebook
share this

Foton Tornadoes tatangkaing dungisan ng F2 Logistics Cargo Movers

Angelito Oredo - November 15, 2016 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(Imus City Sports Complex)
3 p.m. RC Cola-Army vs Cignal
5 p.m. Foton vs F2 Logistics
7 p.m. Generika vs Petron
Team Standings: Foton Tornadoes (6-0); Petron Tri-Activ (6-1); F2 Logistics Cargo Mover (4-3); RC Cola-Army (2-4); Cignal  HD Spikers (1-4); Generika Lifesavers (0-7)

IMUS CITY — Pilit na pipigilan at dudungisan ng F2 Logistics Cargo Movers ang rumaragasang Foton Tornadoes sa pagsagupa ngayong hapon dito para sa 2016 Asics Philippine Superliga Grand Prix hatid ng PLDT Home Ultera sa Imus City Sports Coliseum sa Imus, Cavite.

Una munang magsasagupa ang RC Cola-Army Troopers at Cignal HD Spikers ganap na alas-3 ng hapon bago sundan ng paghaharap ng Tornadoes at Cargo Movers sa alas-5 ng hapon.

Huling magsasagupa ang Generika Lifesavers na hangad ang unang panalo kontra sa asam ang korona na Petron Tri-Activ Spikers sa alas-7 ng gabi.

Pinapaboran ang Tornadoes makamit ang ikapitong sunod nitong panalo subalit hindi basta na lamang maisasantabi ang Cargo Movers na nadiskubre muli ang sekreto para manalo sa torneo upang makaahon sa bitbit nito ngayon na 4-3 panalo-talo.

Nananatili ang defending champion Foton sa liderato sa malinis na 6-0 karta kasunod ang Petron na may 6-1 rekord upang lumapit sa puwesto na masungkit ang dalawang awtomatikong silya sa  semifinals ng torneo kung saan ang kampeon ang magrerepresenta sa bansa sa AVC Asian Women’s Club Championship sa Kazakhstan.

Gayunman, masusubok ang Tornadoes kontra sa Cargo Movers na binubuo ng koponan na nagdomina sa kanila sa ginanap na finals ng nakalipas na All-Filipino Conference.

Matapos pigilan ng Petron ang kanilang tatlong sunod na pagwawagi, agad bumangon ang F2 Logistics upang biguin ang Cignal, 25-16, 25-16, 22-25, 25-16, sa Malolos Sports and Convention Center sa Malolos City sa Bulacan.

Nagtala ang import na si Hayley Spelman ng 21 kills at dalawang block para sa 23-hit habang tumulong si Cha Cruz at iba pang miyembro ng koponan para siguruhin ang panalo.

“I wanted the locals to stepped up and they delivered,” sabi ni F2 Logistics coach Ramil de Jesus habang aminado ito na ang koponan ay nananatili na “a work in progress” sa kalagitnaan ng torneo.

“We still have a lot to work on. I think we have to do another big adjustment in our rotation. There are times that we can’t finish off a long rally. That’s something we need to improve,” sabi pa nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi naman makakasama ng Tornadoes sa ikalawang sunod na pagkakataon si Jaja Santiago bagaman hindi ito problema kay Serbian coach Moro Branislav na agad gumawa ng paraan mapunuan ang tatlong larong pagkawala ng inaasahan nitong middle blocker na kasama ng National University sa 12-day training camp sa Japan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending