SINILABAN ng isang Iranian national ang Pinay girlfriend matapos ang pagtatalo sa isang restaurant sa Japan, ayon sa ulat ng lokal na media.
Nakitang binubuhusan ng likido ng 52-anyos na Iranian ang 36-anyos na biktima bago niya ito sindihan sa isang kainan sa Ibaraki prefecture, hilaga ng Tokyo, ayon sa pulisya.
Tumawag ng ambulansiya ang mga empleyado ng restaurant sa pagsasabing: “People are burning.”
Dinala ang dalawa sa isang ospital na nagtamo ng matinding sunog sa katawan at kapwa wala pa ring malay, ayon sa NHK said.
Maraming mga kostumer sa loob ng restaurant nang mangyari ang insidente, bagamat wala namang nadamay. Sinabi ng pulisya na maituturing ang kaso bilang attempted murder.
Nauna nang sinabihan ang dalawa na lumayo sa isa’t isa matapos ang away hinggil sa kanilang anak, ayon naman sa Kyodo News.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.