Burol ni Espinosa kinatatakutan | Bandera

Burol ni Espinosa kinatatakutan

- November 13, 2016 - 08:38 PM

espinosa at dela rosa 0803

ALBUERA, Leyte – MAHIGIT isang linggo matapos iuwi ang mga labi ng napatay na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, Sr. ngunit iilan lamang ang pumunta para makiramay sa pamilya niya.
Walang pulis o tanod ang dumalaw sa burol ng mayor, na tatay ng tinaguriang pinakamalaking drug lord sa Eastern Visayas na si Kerwin.
Sinabi ni Mariel Espinosa na binuksan nila ang mga gate ng kanilang mansyon simula nang iuwi ang mga labi ng kanyang tatay noong Nobyembre 6, isang araw matapos itong mapatay sa loob ng sub-provincial jail sa Baybay City, Leyte.
Wala ring mayor mula sa ibang bayan sa Leyte ang nagpaabot ng pakikiramay sa mayor.
Nanggaling ang mga bulakla mula sa mga opisyal ng barangay ng Albuera at mga department head.
“That’s OK. We understand,” sabi ni Mariel.
Aminado si Mariel na takot ang marami na maiugnay sa kanilang pamilya dahil sa iligal na droga.
Sinabi naman ng kamag-anak ng mayor na hindi na nagpabanggit ng pangalan na hindi man lamang nagpadala ng pulis para magbigay ng seguridad.
“The family should not be asking for this. It should be given to us considering that he served Albuera as mayor although only briefly,” sabi nito.
Sinabi ni Mariel na dalawang bese na tumawag si Kerwin, noong Nob. 6 at Nob. 8.
“He just kept on crying. He asked me to bring the cellphone to Daddy’s coffin. I guess he talked with him,” sabi ni Mariel.
Hindi naman alam ni Mariel kung ano ang mensahe ni Kerwin sa kanyang tatay.
Sinabi ni Mariel na humihiling sila ng hustisya para sa pagpatay sa kanyang tatay.

“I just don’t know if we can really achieve it,” dagdag ni Mariel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending