Stand-up comedian sobrang bantot ng hininga, kailangan nang magpagamot | Bandera

Stand-up comedian sobrang bantot ng hininga, kailangan nang magpagamot

Cristy Fermin - November 14, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM 0715

PALAGING paksa ng mga bulungan ang isang personalidad na saya at halakhak ang hatid sa publiko. Kumikita na raw nang maganda-ganda ang becki, meron na siyang pambili ng kanyang mga pangangailangan, kaya sana raw ay matutukan din niya ang kanyang personal hygiene.

Dati’y naiintindihan pa ng kanyang mga kasamahan ang sitwasyon, kapos siya sa datung, pero ngayong may regular na siyang show ay kailangan na niyang “gamutin” ang kanyang problema.

Kasali na siya ngayon sa isang variety show na mataas ang rating, nabibigyan na siya ng magandang exposure, wala nang dahilan para tipirin pa niya ang mga bagay-bagay na mahalaga sa kanyang buhay at career.

Kuwento ng isang source, “Hindi kasi kagandahan ang amoy ng hininga niya. Meron pa naman siyang direct contact sa mga co-actors niya dahil meron siyang mga dayalog, harap-harapan ‘yun, kaya naaamoy ang hindi kagandahang hininga niya.

“Madali lang namang gamutin ang bad breath, kalinisan lang ang sikreto nu’n, napakarami naman niyang puwedeng gawin na makapagpapasaya sa mga katrabaho niya.

“Huwag nang basta mouthwash lang, kailangan niyang magpa-check-up, baka kasi sa bituka na niya may problema si ____ (pangalan ng stand-up comedian),” may malasakit na reaksiyon ng aming impormante.

Hindi raw kaya napapansin ng komedyanteng ito na may mga pagkakataong umiiwas na sa kanya ang mga katrabaho niya? Palihim na siyang pinagpipiyestahan sa work place niya.

“Dati na niyang problema ‘yun nu’ng nagtatrabaho pa siya sa isang comedy bar, may mga nagsasabi na sa kanya na gumamit siya ng mouthwash, pero ang akala yata niya, e, comedy lang ‘yun!

“Totoo na ‘yun, totoong-totoo na, ibang-iba ang attack ng bad breath niya, sa totoo lang, kaya kailangan na talaga niyang kumilos ngayon!” kuwento pa ng aming source na may kakambal nang clue.

Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, talasan n’yo lang ang pang-amoy n’yo at nand’yan na ang clue kung sino ang becking ito!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending