Derrick tinutukso dahil sa pototoy: Ganyan na talaga siya! | Bandera

Derrick tinutukso dahil sa pototoy: Ganyan na talaga siya!

Ambet Nabus - November 13, 2016 - 12:35 AM

derrick monasterio

TAWA kami nang tawa sa text reply sa amin ni Derrick Monasterio na tila parang nagsisisi pa kung bakit naging prominent pa ang kanyang “bukol” sa suot niyang costume sa fantasy series na Tsuperhero na magsisimula na ngayong araw sa GMA 7.

Tinutukso kasi siyang “gifted” child pagdating sa usapin ng sukat ng pagkalalaki. Ha-hahaha!

“Ano ba ang magagawa ko Kuya Ambet? Ganu’n talaga, eh. Nakatago na nga yun at sa totoo lang yun na yung most comfortable fit for me,” sagot nito sa amin.

“Masasanay ka rin. Ang pagtakhan mo kung sa mga susunod na pagsuot mo ng costume ay wala na silang maaninag,” ang ganting-biro namin sa kanya.

Ngayong Linggo na nga magsisimulang umarangkada ang pinakabagong Pinoy superhero comedy adventure na Tsuperhero, kung saan bibida din si Bea Binene.

Welcome break ito para sa dalawang Kapuso youngstars dahil napakabigat nga ng huling serye nilang Hanggang Makita Kang Muli. Ang Tsuperhero ay mula sa original concept ni Michael V kung saan makakasama rin sina Gabby Concepcion, Alma Moreno, Betong Sumaya, Philip Lazaro, Miggs Cuaderno, Valentin, Annalyn Barro, Jemwell Ventenilla at Kuhol.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending