Bongbong Marcos, Leni Robredo nag-isnaban sa Tacloban | Bandera

Bongbong Marcos, Leni Robredo nag-isnaban sa Tacloban

Ambet Nabus - November 11, 2016 - 12:15 AM

BONGBONG MARCOS AT LENI ROBREDO

BONGBONG MARCOS AT LENI ROBREDO

NASAKSIHAN din namin sa paggunita ng ika-3 anibersaryo ng Yolanda tragedy ang pinag-uusapang pagbisita roon ni Presidente Digong Duterte.

Nagkasama uli sila sa iisang stage ni VP Leni Robredo na nagawa pa nitong “paglaruan” (read: harapang tinanong kung may pag-asa ba ang panliligaw nito at tinanong din kung totoo ang tsikang may nanliligaw ditong congressman) sa harap ng napakaraming tao.

Sinabon naman ng Pangulo ang mga local leaders ng housing at water departments na sa tingin daw niya ay mukhang hindi masyadong nagtrabaho sa loob ng tatlong taon matapos ang Yolanda.

But then again, ibinalik naman ng mga supporters nila ang “sumbat” sa nagdaang administrasyon na umipit at gumipit diumano sa mga proyektong dapat unahin sa Tacloban.

Napansin din naming hindi nagbatian on stage sina Bongbong Marcos at VP Robredo kahit na halos magkatabi lang sila bago mag-umpisa ang programa.

Nakakatawa pa dahil napapagitnaan nila si DENR Sec. Gina Lopez na masuyo namang nakipagtsikahan kina Leni at Bongbong.

Ilan sa mga una naming dinalaw sa Tacloban ang Holy Cross Cemetery kung saan nandoon ang mass grave ng halos ilang libong mga nasawi sa trahedya; ang wreckage ng sumadsad na barko kung saan madami ring nakuhang bangkay noon, ang Astrodome na pinagdausan ng misa; at marami pang ibang lugar na nasalanta ng bagyong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending