Female celebrity nakakahiya, dapat pagsabihan ni mister
AYON sa mga impormanteng nakakuwentuhan namin ay hindi lang pala nagsasalita ang mga personalidad na inaabala ng isang kilalang personality pero imbiyernix na ang mga ito.
Mahilig kasing dumating nang walang abiso ang female personality, basta na lang siya dumarating at hindi lang ‘yun, may mga bitbit pa siyang kasama.
Mahilig magpa-picture sa mga artista ang babaeng personalidad, maiiwanan niya ang lahat sa kanyang bahay, pero hindi ang kanyang camera.
Fanchitang-fanchita nga ang kanyang peg, pinagtatawanan siya nang palihim ng kanyang mga kasamahan, dahil mas masahol pa siya sa mga ordinaryong tagahanga sa kanyang mga pinaggagagawa.
Kuwento ng isang source, “Bakit kaya siya ganu’n? Wala siyang ginawa kundi ang makipag-pose nang makipag-pose sa mga artista, e, celebrity rin naman siya?
“Gaya ng ginagawa niya sa isang loveteam, basta na lang siya sumusulpot na parang kabute, may bitbit siyang mga friends, picture dito-picture du’n ang ginagawa nila.
“Hindi kaya siya pinipigilan ng mister niya? Di ba, nakakahiya na ang mga ginagawa niya? Hindi naman nakakahiyang maging fan, pero naman, hindi pa rin bagay para sa isang tulad niyang celebrity rin ang ganyan!” madiing komento ng aming impormante.
Nu’ng minsan kuno ay may mga nakakita pa sa female personality na tumatakbo. Akala ng mga ito ay may kung ano nang nangyayari. Humihingal na raw kasi ang babaeng personalidad sa katatakbo.
“Jusko, meron pala siyang hinahabol na sikat na artistang pasakay na sa van! Nagpa-picture lang siya, kaya siya takbo nang takbo! Hindi naman kababawan ang pagiging fan, pero kapag sobrang OA na, e, teka naman muna!” napapailing pang sabi ng aming source.
Ready na ba kayong hulaan kung sino ang babaeng itey, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, goooo!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.