Kilalang singer sobrang bilib sa sarili, pati magsasaka di pinatawad | Bandera

Kilalang singer sobrang bilib sa sarili, pati magsasaka di pinatawad

Ronnie Carrasco III - November 10, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM FEMALE 0429

HULA who: Buong akala nami’y isa lang “urban legend” ang kuwento tungkol sa isang female singer na talaga namang sumikat noong panahon niya.

Nito lang muling nanariwa sa aming kamalayan ang ilang anekdota tungkol sa sobrang taas ng kanyang tingin sa sarili, kasama ang iilan niyang mga kaibigang manunulat (o nagtatrabaho bilang mga publisista niya).

Nang minsan kasing baybayin nila ang kahabaan ng isang kalsada sa probinsiya (kung saan merong show ang singer), siyempre’y nadaanan nila ang ilang mga magsasaka sa bukid. Out of the blue ay nagdayalog daw ang singer as their van strode along, “Alam kaya ng mga magsasakang ‘yan na ang laman ng sasakyang ito ay si ____ (pangalan niya)?”

Nagkatinginan ang mga reporter, pero sa loob-loob daw nila’y pagkayabang-yabang naman ng singer na ‘to. Nang makalampas daw ang grupo roon ay napadaan naman sila sa isa pang malawak na palayan pero wala ni isang magsasaka.

Sa isip-isip daw ng mga reporter, “Hmp! Tingnan lang namin kung makapagyabang ka pang hitad ka, wala nang tao rito sa dinaraanan natin!”

Pero laking sorpresa nila, nagkakandahaba pa raw ang leeg ng singer sa katatanaw mula sa kanyang tinted van sabay bumanat ng, “Alam kaya ng palayang ito na ang nasa loob ng sasakyang ito ay si ____ (pangalan niya)?”

Hindi pala ito isang urban legend kundi literal na “urban fact”!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending