Paolo game makipaghalikan sa kapwa lalaki
SIXTEEN films ang nakabangga ng pelikulang “Die Beautiful” sa nakaraang Tokyo International Film Festival. Pero kahit mabibigat ang katunggali sa acting award, si Paolo Ballesteros pa rin ang itinanghal na Best Actor.
At dahil isinumite na rin para sa 2016 Metro Manila Film Festival ang “Die Beautiful”, wini-wish din ni Pao na kapag napili itong official entry ay mapagwagian din niya ang Best Actor trophy.
Tanong namin sa kanya kung natupad na ba ang pantasya niya sa movie?
“Anong pantasya ito? Ha! Ha! Ha!” balik-tanong na sagot ni Paolo sa welcome presscon ng binigay sa kanila ni direk Jun Lana ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde ng Regal Entertainment.
“Alam ninyo, tinupad ko lang ang pantasya ng mga kaibigan ko. Charetttt! Ha! Ha! Ha!
“Gusto ko kasi kapag may project ako, kahit soap opera, since araw-araw akong nakikita sa Eat Bulaga, pag gagawa ako ng project, gusto ko iba naman ang hitsura ko unang-una. Parang araw-araw na akong nakikita, tapos, makikita pa ako sa soap opera, sa film, ganoon pa rin ang hitsura ko.
“So pag may ganoong project, as much as possible, nagta-transform talaga ako!” paliwanag ni Paolo.
Aminado si Pao na lagi siyang choosy pagdating sa pagpili ng projects. “Si Jojie (Dingcong) manager ko, namumroblema sa akin! Ha! Ha! Ha!
“Oo. ‘Yun nga, gusto ko kasi kakaiba naman kaya choosy ako,” katwiran niya.
Kahit na-preempt ang pagsasabi sa kanyang winner siya bilang Best Actor, hindi pa rin nag-expect si Paolo na siya ang mananalo. Wala sana kasi siyang balak dumalo ng award. Nagbihis lang siya para na rin kaugnay ng promo ng movie.
Kaso, nasabi sa kanya ng isang staff pero go pa rin siya sa awards night na walang expectations.
“So nu’ng nasa backstage na kami nu’ng awarding, nu’ng sinasabi na ng girl ‘yung parang script ng Best Actor, umiiyak na ako sa likod. Kasi ang weird lang ‘yung naririnig mo ‘yung patungkol sa ‘yo. Tapos, international pa. Ang ano pa roon, naka-gown pa ako! Ha! Ha! Ha! Ang ganda lang ng feeling,” saad pa ni Paolo.
Ayon sa interview kay direk Jun, nabanggit niyang mas malakas ang chemistry nina Paolo at Albie Casino sa movie kesa kay Luis Alandy. “Ha! Ha! Ha! Kasi siyempre, ‘yon ang nasa script! Ha! Ha! Ha! Bakit, pogi naman si Albie,” tugon ni Paolo.
Pero pambubuking ni direk Jun, may kissing scene si Paolo sa “Die Beautiful” pero hindi niya sinabi kung kanino, huh! Eh handa na ba si Paolo na magkaroon pa ng mas matinding kissing scene sa ibang movie?
“Matagal na! Joke! Ha! Ha! Ha! Kung kailangan ba, why not?” sagot niya.
Dahil sa acting award na napanalunan, handa na raw maglagare sa TV at sa movie si Paolo na bihira niyang gawin. “Baka yumaman na ako! Ha! Ha! Ha!” say pa ng Tokyo filmfest Best Actor in Long Gown.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.