PH triple jump record binura ni Diones | Bandera

PH triple jump record binura ni Diones

Angelito Oredo - November 07, 2016 - 11:00 PM

BINURA ng papaangat na miyembro ng pambansang koponan na si Mark Harry Diones ang pitong taong national record sa triple jump matapos lumundag ng 16.29 metro Linggo ng umaga sa ginanap na weekly relay ng Philippine Athletic Track and Field Association (Patafa) sa Philsports Arena.

Nagawang itala ng 22-anyos na si Diones na mula Libraman, Camarines Sur ang bagong rekord sa ikalima nitong pagtalon sa lingguhang palaro na isinasagawa ng Patafa para sa mga miyembro ng elite at training pool bilang pagsasanay at paghahanda sa malalakiing torneo.

Binura ni Diones ang dating rekord na  16.12 metro na naitala ni  Joebert Delicano noong Disyembre 13, 2009 sa  Southeast Asian Games sa Vientiane, Laos.

Kinumpirma ni national coach Jojo Posadas ang bagong national record ni Diones.

“Below 2.0 ang wind velocity kaya na-recognize mismo ni Patafa secretary-general Reynato Unso at Janet Obiena, na Patafa board member, ang feat ni Diones. Sila mismo ang nag-confirm,” sabi ni Posadas.

Dahil sa pagtatala ng pinakamataas nitong pansarili at national record ay agad nang nakasungkit ng kanyang silya para sa gaganapin na 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia si Diones matapos nitong maabot ang pamantayan ng POC at PSC para sa ipapadala sa kada dalawang taong torneo.

“Na-hit na niya ang POC at PSC standard para sa SEA Games na silver kaya assured na siya ng slot,” sabi pa ni Posadas. “Kailangan lang niya ma-maintain ang nagawa niya sa continuous training at within doon sa mga nanalo ng medalya noong 2015 SEA Games sa Singapore.”

Matandaang lumahok sa kanyang unang SEA Games si Diones, na nadiskubre ng dating coach at long jumper din mula Bicol na si Samson Calisura na kasalukuyan na ngayong miyembro ng Philippine Army, noong 2015 subalit tumapos lamang itong ikaapat.

“Nagpapasalamat tayo sa dati niyang coach dahil ipinagkatiwala niya sa atin si Diones. Dating 14.43 meters ang best ni Diones noong dumating sa akin na nagawa niya noong 2010 Palarong Pambansa pero patuloy ang improvement niya at sana malampasan niya ang potensiyal na gold next year,” sabi ni Posadas.

Iniuwi ng Malaysia ang ginto noong 2015 SEA Games sa nilundag na 16.70 metro habang ang pilak ay napunta sa Thailand sa layo na 16.20m. Ikatlo ang Vietnam na may 15.92m at ikaapat si Diones na may 15.87m.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending