Ate Vi ayaw makialam sa lovelife ni Luis: Matanda na siya, alam na niya kung ano ang tama at mali! | Bandera

Ate Vi ayaw makialam sa lovelife ni Luis: Matanda na siya, alam na niya kung ano ang tama at mali!

Ervin Santiago - November 08, 2016 - 12:20 AM

vilma santos at luis manzano

AYAW nang makialam ni Batangas 6th District Rep. Vilma Santos-Recto sa lovelife ngayon ng kanyang anak na si Luis Manzano.

Mula naman daw noon hanggang ngayon ay never daw diniktahan ng actress-politician ang anak sa pakikipagrelasyon nito, may sariling isip na raw si Luis para magdesisyon.

Sa isang panayam kay Ate Vi, sinabi nitong nirerespeto niya ang personal na buhay ng anak, at nandiyan lang daw siya para gabayan at suportahan ito, kabilang na nga riyan ang pakikipagmabutihan nito kay Jessy Mendiola.

“Alam niya kung saan siya masaya, alam niya ang tama, alam niya ang mali. I am just here to guide him. He is old enough, mature enough to handle his life,” paliwanag ng Star For All Seasons.

Nilinaw din ni Ate Vi ang balitang pine-pressure na niya ang anak na mag-asawa para magkaroon na rin siya ng apo.

“Hindi ko pwedeng panghimasukan kasi ang mas worse, magdesisyon siya tapos masisira rin. Siya naman ang nakakaramdam noon eh,” ang chika pa ng award-winning actress.

Nakilala na rin ng kongresista nang personal si Jessy nang mag-dinner ang dalaga sa kanilang bahay. Inimbita niya ang Kapamilya actress sa pamamagitan ni Luis.

Ani Jessy pagkatapos makilala ang nanay ng kanyang boyfriend, nakaka-starstruck daw ang presence ng veteran actress pero napakabait daw nito at very down to earth.

Nito lang weekend, nag-post si Jessy ng picture nila ni Luis kung saan nakayakap ang binata sa kanya. Parang gusto lang ibandera ng aktres na kanyang-kanya lang si Luis at wala nang pwedeng mang-agaw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending