‘Isang Pamilya Tayo Ngayong Pasko’ ng ABS good vibes ang hatid sa mga Pinoy | Bandera

‘Isang Pamilya Tayo Ngayong Pasko’ ng ABS good vibes ang hatid sa mga Pinoy

- November 08, 2016 - 12:30 AM

angel locsin at hidilyn diaz

HATID ng Kapamilya stars, news anchors, at reporters ang iba’t ibang kuwento ng pagsisikap, pagbangon, at tagumpay sa pinakabagong Christmas Station ID ng ABS-CBN na napapanood na ngayon ng madlang pipol.

Matapos humamig ng mahigit isang milyong views online ang recording video ng “Isang Pamilya Tayo Ngayong Pasko,” ipinalabas na rin ang kabuuan ng station ID na nagpapakita kung paano tayong mga Pilipino ay kayang lagpasan ang anumang sitwasyon dahil sa pagmamahal sa pamilya at paniniwala sa Diyos.

Nangunguna si ABS-CBN chief content officer, executive adviser to the chairman, at ABS-CBN University president Charo Santos-Concio sa mga bituing mapapanood sa video, na magdadala ng inspirasyon sa mga estudyante ng Punlaan School, kung saan bumisita rin si Vice Ganda.

Sina John Lloyd Cruz, Piolo Pascual at Angel Locsin naman ay makakasama ang apat na taong nagpakita ng katibayan ng loob sa pag-abot ng pangarap, kabilang ang isang batang naglalakad ng pitong kilometro papasok ng eskwela, isang amputee na swimming instructor, at ang 2016 Olympic Silver Medalist na si Hidilyn Diaz.

Ang mga anchor ng TV Patrol naman ay bumisita sa Tacloban. Kinumusta ni Ted Failon ang batang survivor na nakapagtapos bilang valedictorian; si Bernadette Sembrano ay nagtungo sa lugar ng tinaguriang “Junkyard Queen,” at si Kabayan Noli De Castro ay pumunta sa pagawaan ng parol ng isang pamilya.

Samantala, sina Julius Babao, Dyan Castillejo at Karen Davila ay nakilala ang mga dating delinkwente pero ngayon ay volunteers na ng Response and Action Force Team ng Barangay Zapote sa Las Piñas at nagliligtas ng buhay.

Winner din ang eksena tampok ang Kapamilya loveteams. Ang KathNiel at JaDine, may kanya-kanyang sorpresa para sa mga bata, habang kasama naman sa awitan ng theme sina Enrique Gil at Liza Soberano, Daniel Matsunaga at Erich Gonzales, at Gerald Anderson at Kim Chiu.

Umeksena rin sina Luis Manzano, Ejay Falcon, Jed Madela, Juris, Richard Poon, Elmo Magalona, Janella Salvador, Inigo Pascual, Maris Racal, Alora Sasam, Diego Loyzaga, Fifth Solomon, Angeline Quinto, Morisette, Klarisse De Guzman, Jona, Jason Dy, Kayla, Daryl Ong at Maja Salvador na may flash mob kasama ang tatlong bata mula sa Tondo Chamber Orchestra at ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

Ang pamilya ng It’s Showtime naman sa pangunguna nina Anne Curtis, Vhong Navarro, Karylle, Jhong Hilario, Ryan Bang, Joey Marquez at Amy Perez ay may regalong Christmas Belen para sa isang simbahan sa Tondo, Manila.

Una nang lumabas ang recording video ng anthem tampok ang “The Voice Kids Philippines” coaches Lea Salonga, Sarah Geronimo, Bamboo at Sharon Cuneta.

Isinulat ang kanta nina ABS-CBN Creative Communications Management head Robert Labayen at Lloyd Oliver Corpuz, sa musika nina Thyro Alfaro at Yumi Lacsamana, sa direksyon nina Paolo Ramos at Peewee Azarcon Gonzales.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending