'Dapat parusahan si Imelda, bawiin ang lahat ng nakuhang premyo!' | Bandera

‘Dapat parusahan si Imelda, bawiin ang lahat ng nakuhang premyo!’

Ambet Nabus |November 06,2016
facebook
share this

‘Dapat parusahan si Imelda, bawiin ang lahat ng nakuhang premyo!’

Ambet Nabus - November 06, 2016 - 12:20 AM

imelda schweighart
HMMMMM, kung kami kay Loren Mar Artajos ay hindi namin tatanggapin ang pagiging replacement sa nag-resign na 2016 Miss Earth-Philippines na si Imelda Schweighart.

Kaeklayan naman yung may title ka nga pero hindi ka na makakapag-compete at ikaw na ang sasalo sa mga duties and responsibilites nang pinili nilang winner na kahihiyan nga ang ibinigay sa bansa. Dapat nga pinagbayad pa ng danyos si Imelda dahil sa ginawa niyang kontrobersiya.

Well, kung ang advocacy nga tungkol kay Mother Earth ang totoong sentro ng magiging duties ni Loren, eh sana dagdagan din ang premyo niya, di ba? O, bawiin lahat ng ibinigay nilang premyo kay Imelda. Ha-hahahaha!

Nasasayangan kasi kami sa maganda pa sanang opportunites ni Loren bilang isang posibleng international beauty title holder.

Well, sana naman ay makapagbigay nga ng maraming bonggang opportunities kay Loren ang pagiging “replacement beauty” niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending