Male star nabiktima ng pasosyal na young actress kaya nabaon sa utang | Bandera

Male star nabiktima ng pasosyal na young actress kaya nabaon sa utang

Cristy Fermin - November 03, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM F-M 0322

BAKIT kaya ayaw mabura-bura ang imahe ng isang young actress bilang bilmoko at user? Matagal nang pinagpipistahan ang kuwentong ito pero hanggang ngayon ay paborito pa ring gawing pulutan sa maraming umpukan.

Lumalabas kasi na lahat ng naging karelasyon ng young actress ay may ganu’ng impresyon, bilmoko ang kanilang ex, kaya palaging bumibida ang female personality sa ganu’ng klase ng kuwentuhan.

Kuwento ng isang source, “Sisimple-simple ang babaeng ‘yun, pero saan ka, sobrang hilig niyang magpabili ng kung anu-ano sa mga nakakarelasyon niya!

“Parang wala sa itsura niya ‘yun, di ba? Parang okey lang siya, parang wala lang, pero ‘yun ang kuwentuhan kahit saan tungkol sa kanya,” simulang komento ng aming impormante.

Hindi kuno kalakihan ang kinikita ng isang ex ng young actress, bibihira lang itong magkaroon ng proyekto, pero grabe kung lambingan ng mga branded stuff ng girl.

Patuloy ng aming source, “Ayun, ano tuloy ang nangyari sa male personality? Nangungutang na lang siya nu’n sa mga friends niya, mapagbigyan lang ang pagiging bilmoko ng girlfriend niya!

“Nagkabaun-baon tuloy sa utang ‘yung tao, meron na siyang kapalit sa girl, pero nagbabayad pa rin siya ng utang sa mga kaibigan niya!

“Naku, hinding-hindi siya makakalimutan ng male personality na ‘yun! Sobrang bilmoko ang babaeng ‘yun, mapangarap, kesehodang mabaon sa utang ang boyfriend niya!” nakairap pang kuwento ng aming impormante.

Kilalang-kilala n’yo kung sino ang young actress na ito, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, may kapangalan siyang sikat na female personality na can afford na bumili ng lahat ng magustuhan niya, getlak n’yo na?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending