Golden State Warriors ginapi ang Phoenix Suns | Bandera

Golden State Warriors ginapi ang Phoenix Suns

- , October 31, 2016 - 11:00 PM

PHOENIX — Kumana si Kevin Durant ng 37 puntos habang si Stephen Curry ay nagdagdag ng 28 puntos para sa Golden State Warriors na nagawang mapigilan ang Phoenix Suns para itakas ang 106-100 panalo sa kanilang NBA game kahapon.

Naselyuhan ng Warriors ang panalo matapos na ipasok ni Curry ang dalawang free throws may 12.9 segundo ang nalalabi sa laro. Nagdagdag pa si Durant ng isang pares ng free throw may pitong
segundo ang natitira para sa mga huling puntos ng laban.

Umiskor si T.J. Warren ng 26 puntos habang si Eric Bledsoe ay nag-ambag ng 21 puntos para sa wala pang panalo na Suns, na nagawang itulak ang Oklahoma City Thunder sa overtime noong Sabado. Si Tyson Chandler ay humablot naman ng 18 rebounds para sa Phoenix.

Nagawang makalamang ng Suns ng 13 puntos sa first half bago na lamang nakontrol ng Warriors ang takbo ng laro sa kalagitnaan ng huling yugto.

Thunder 112, Lakers 96
Sa Oklahoma City, kumamada muli si Russell Westbrook ng triple-double para tulungan ang Oklahoma City Thunder na talunin ang Los Angeles Lakers at manatiling walang talo.

Si Westbrook, na galing sa pagtala ng triple-double laban sa Phoenix Suns noong Sabado, ay nagtala ng 33 puntos, 16 assists at 12 rebounds kontra Lakers. Ayon sa Thunder, nakasama ni Westbrook sina Magic Johnson, Jerry Lucas at Oscar Robertson bilang mga natatanging manlalaro sa kasaysayan ng NBA na may dalawang triple-doubles sa unang tatlong laro ng season.

Ang Thunder ay nagwagi na nang 20 diretsong regular-season games kapag nagtatala si Westbrook ng triple-double. Ginawa naman ni Westbrook ang kanyang ika-39 career triple-double sa ikatlong yugto at tinapos niya ang laro na may season averages na 38.7 puntos, 12.3 rebounds at 11.7 assists.

Victor Oladipo ay nagdagdag ng 20 puntos para sa Thunder.

Sina D’Angelo Russell at Julius Randle ay kapwa umiskor ng 20 puntos para sa Lakers.

Spurs 106, Heat 99
Sa Miami, ginawa ni Kawhi Leonard ang 14 sa kanyang 27 puntos sa huling 6:04 ng laro para tulungan ang San Antonio Spurs na mapigilan ang Miami Heat at manatiling walang talo.

Inilabas sa laro si Leonard may 8:29 ang natitira sa laro matapos na masugatan sa kanang mata at ibinalik sa huling 6:48 ng laban.

Si Pau Gasol ay nag-ambag ng 20 puntos at 11 rebounds para sa Spurs, na sinayang ang 16 puntos na bentahe sa first half bago nagawang makabawi. Si Patty Mills ay nagdagdag ng 18 puntos para sa San Antonio, ang unang koponan na umangat sa 4-0 record ngayong NBA season.

Nagtala si Hassan Whiteside ng career-high  27 puntos at 15 rebounds para sa Miami. Si Goran Dragic ay umiskor ng 25 puntos habang si Justise Winslow ay nagdagdag ng 18 puntos para sa Heat.

Rockets 93, Mavericks 92
Sa Houston, naghulog si James Harden ng free throw may 0.1 segundo ang natitira sa laro para tulungan ang Houston Rockets na maungusan ang Dallas Mavericks sa kanilang home opener.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagtapos si Harden na may 28 puntos, pitong rebounds at pitong assists. Na-foul ni Wesley Matthews si Harden na nagsagawa ng driving layup bago tumunog ang buzzer at tabla ang iskor. Ipinasok naman ni Harden ang ikalawang free throw para sa huling iskor ng laro.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending