Lakers-Clippers game tampok sa balik-aksyon ng NBA | Bandera

Lakers-Clippers game tampok sa balik-aksyon ng NBA

Melvin Sarangay - , June 27, 2020 - 11:57 AM

ISANG matinding salpukan ang matutunghayan ng mga fans ng National Basketball Association (NBA) sa pagbabalik aksyon nito sa Hulyo 30 (Hulyo 31, PH Time) matapos ang apat na buwan na paghinto.

Una na rito ang inaabangan na Western Conference matchup sa pagitan ng Los Angeles Lakers at LA Clippers.

Ang nasabing laro ay una sa dalawang laro na nakalatag sa pagbubukas ng mga laro ng season re-start kung saan mayroong 22 teams ang maglalaban sa isang “bubble” quarantine environment sa Florida at maglalaro sa Walt Disney World Resort campus.

Inanunsyo ngayon ng NBA ang schedule ng 88 “seeding games” na sisimulan ng doubleheader ng Utah Jazz vs New Orleans Pelicans at Lakers-Clippers sa Hulyo 30. 

Katatampukan naman ng Milwaukee Bucks, ang may hawak ng best record ng liga nang itigil ang mga laro noong Marso 11 matapos na si Jazz big man Rudy Gobert ay magpositibo sa coronavirus, ang anim na laro sa Hulyo 31 kung saan makakasagupa nila ang Boston Celtics.

Ang NBA ay maglalaro ng hanggang pitong laro kada araw kung saan ang tip-off ay isasagawa sa pagitan ng alas-12 ng tanghali hanggang alas-9 ng gabi (4 p.m. GMT-1 a.m. GMT) sa tatlong magkakaibang basketball court sa sports complex ng Disney World.

Ang bawat koponan ay itatalaga  bilang home team sa apat na seeding games at bilang visiting team sa apat na seeding games.

Sinabi ng NBA na ang mga seeding matchups ay pinili sa mga nalalabing laro mula sa natitirang 259 games ng regular season at ibibilang ito sa final regular-season standings at regular-season statistics.

Subalit hindi lahat ng mga koponan ay makakasama para tapusin ang naantalang NBA season.

Siyam na koponan na may laban pa sa post-season ang nakapasok mula sa Eastern Conference at ito ay pinangungunahan ng Bucks at reigning champion Toronto Raptors.

Makakasama nila ang Celtics, Miami Heat, Indiana Pacers, Philadelphia 76ers, Brooklyn Nets, Orlando Magic at Washington Wizards.

May 13 teams mula sa West ang nakapasok at ito ay ang conference leader Lakers, Dallas Mavericks, Denver Nuggets, Houston Rockets, Clippers, Memphis Grizzlies, Pelicans, Oklahoma City Thunder, Phoenix Suns, Portland Trail Blazers, Sacramento Kings, San Antonio Spurs at Jazz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending