Juday sa mga laitera: Magpakita sila tsaka sila mam-bash para kwits!' | Bandera

Juday sa mga laitera: Magpakita sila tsaka sila mam-bash para kwits!’

Ervin Santiago |October 31,2016
facebook
share this

Juday sa mga laitera: Magpakita sila tsaka sila mam-bash para kwits!’

Ervin Santiago - October 31, 2016 - 12:40 AM

judy ann santos

Ginagawa ngayon ni Judy Ann Santos ang lahat para maibalik muli ang kanyang seksing katawan.

“Gusto ko lang din na worth it yung project pag bumalik ako, maganda yung katawan ko yung kahit pa tamblingin ako magagawa ko yung walang limitations. Gusto ko I am fit as possible,” ani Juday sa panayam ng ABS-CBN.

Nasabi naman ng asawa ni Ryan Agoncillo na sanay na siyang nilalait ang katabaan niya, wala pa raw social media ay sandakmak na pang-ookray na ang kanyang natikman, “Hindi ako nahe-hurt kasi totoo naman na mataba talaga ako. Hindi lang ako aware na nag momonitor ka pala?

“Bago pa man ang social media marami nang natawag sa akin, mamon, ensaymada, aparador, siopao, lahat naman nakuha ko na bago pa man magka-Instagram at Facebook. Ngayon lang mas powerful lang ang mga bashers kasi nag-rerepost, nag-reretweet, napapag-usapan pa, napapag-tawanan hanggang sa mailabas na sa news pati sila napapag-usapan,” sey pa ni Juday.

Pero in fairness, dahil sa pagpatol ni Juday sa isang basher, tila nagsilbi siyang spokesperson ng mga plus size, “Feeling ko lang hindi ka na magsasalita for yourself. You also talk for other people na kung ano ang pinagdadaanan mo, pinagdadaanan din ng maraming tao. Ang lakas lang nila mam-bash kasi hindi sila nakikita. Magpakita sila tsaka sila mam-bash para kwits.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending