Jennylyn nakiusap ng ‘privacy’ sa pagkamatay ni Mommy Lydia
WALA na ang number one defender ni Jennylyn Mercado, si Mommy Lydia Mercado. Namatay siya last Saturday morning dahil sa sepsis na may kasamang pneumonia.
Mula nang manalo sa Starstruck, si Mommy Lydia na ang naging gabay at kasama ni Jen sa mga showbiz commitment niya. Kaya malaking dagok sa buhay ng Kapuso Ultimate Star ang pagkawala ng ina.
Bumuhos ang pakikiramay kay Jennylyn sa social media kahapon. Wala pang pahayag si Jen tungkol sa pagyao ni Mommy Lydia ngunit balitang humingi na ito ng privacy sa kanilang pagdadalamhati.
Ang aming pakikiramay sa mga naiwan ni Mommy Lydia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.