‘Video scandal’ nina Katrina at Yasmien kalat na
DALANG-DALA ang mga manonood sa mga confrontation at fight scenes nina Yasmien Kurdi at Katrina Halili sa GMA Afternoon Prime series na Sa Piling Ni Nanay.
Para kasing totoo na ang mga ito at hindi mo iisiping magkaibigan sila in real life. Recently nga lang, may ipinost si Yasmien na isang video kung saan pisikal silang nag-aaway ni Katrina. Hindi mo iisiping para sa isang eksena iyon sa kanilang show dahil parang totoo talaga ang mga ito.
Agad naman itong hinangaan ng mga netizens dahil para sa kanila, maganda ang work relationship ng dalawang aktres dahil for them, comfortable sila sa kahit anong ipagawa sa kanila at lumalabas itong natural sa telebisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.