Sarah 4 na taon pa ang hihintayin bago pakasalan ni Matteo | Bandera

Sarah 4 na taon pa ang hihintayin bago pakasalan ni Matteo

Ervin Santiago - October 30, 2016 - 12:15 AM

sarah geronimo at matteo guidicelli

INAMIN ni Matteo Guidicelli na napag-uusapan na rin nila ng kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo ang tungkol sa kasal, natural lang naman daw ito sa magkarelasyon.

Pero sabi ni Matteo, wala pa silang balak magpakasal ni Sarah, hindi rin daw ito mangyayari very soon.

May kanya-kanya pa raw kasi silang priorities ngayon, lalo na sa kanilang mga career.
Sa isang panayam sinabi ng Kapamilya actor na noon ang ideal age niya sa pagpapakasal ay 26, pero ngayong 26 na siya, baka raw magsimula na siyang bumuo ng sariling pamilya kapag 30 years old na siya.

Kapag si Sarah naman ang natatanong tungkol sa kasal, pareho rin ang kanyang sagot, bata pa naman daw sila ni Matteo at marami pa silang gustong gawin sa kanilang mga buhay bilang single (but committed) individuals.

Feeling namin, bago mag-30 si Matteo ay pakakasalan na niya si Sarah. In fairness, kahit hindi na mag-work ang Pop Princess ay kayang-kaya na itong buhayin ni Matteo dahil financially stable na ang binata dahil sa dami ng kanyang business.

Kamakailan ay nag-celebrate ang magdyowa ng kanilang third year anniversary sa Oslob, Cebu kung saan sila nag-bonding nang bonggang-bongga. Balitang wala raw chaperon o bodyguard si Sarah nang magbakasyon sila ni Matteo sa Cebu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending