Pagpapakumbaba ni Kris pinuri ng propesor | Bandera

Pagpapakumbaba ni Kris pinuri ng propesor

Cristy Fermin |October 30,2016
facebook
share this

Pagpapakumbaba ni Kris pinuri ng propesor

Cristy Fermin - October 30, 2016 - 12:30 AM

kris aquino

HUWAG na sanang bigyan ng kung anu-anong interpretasyon ang ginawang pagpapapunta ni Kris Aquino kina Josh at Bimby sa selebrasyon ng kaarawan ng girlfriend ni James Yap na si Michela Cazzola.

Napakalinaw na halimbawa ‘yun ng kagandahan ng puso ng aktres-TV host, isang paraan ‘yun ng pagsasabing nakahakbang na siya nang pasulong sa nakaraan nilang relasyon ng basketbolista, positibo ang ginawang aksiyon ni Kris.

Tama lang ang ginawa niyang pagpayag, kailangang ngayon pa lang ay nagkakaroon na ng komunikasyon si Bimby sa kapatid nitong si Michael James, hindi man naging maganda ang resulta ng kanilang relasyon ni James ay maayos naman ang kanilang mga anak.

Tuwang-tuwa si propesor nang malaman nito ang ginawa ni Kris, “For the first time, gusto kong papurihan si Kris sa ginawa niya. Kapag tama ang ginagawa ng tao, e, dapat lang namang nakahanda ang papuri natin para sa kanya.

“Kris made the right decision when she allowed her children to attend Michela’s birthday. Positive ‘yun, it will add to her,” komento ni prop.

Oo nga naman. Maaaring naging taklesa nu’n si Kris sa pagpapakawala ng mga salitang hindi ikatutuwa ng basketbolista pero bumabawi naman siya ngayon.

Hindi man niya sinasabing humihingi siya ng paumanhin ay ginagawa niya ‘yun sa ibang paraan. Walang labis, walang kulang, nakapag-move-on na nga si Kris Aquino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending