Shaina bubuhayin ang kuwento ni Lily, ang manananggal sa Cebu
KASAMA si Shaina Magdayao sa pelikulang “Lily”, isa sa mga entry sa Cinema 1 Originals Festivals 2016 na magsisimula na sa Nob. 14 hanggang Nob. 22, mula sa direksyon ni Keith Deligero.
Kuwento ni Shaina tungkol sa pelikula, “It’s an urban legend story sa Cebu, kumbaga sa Manila lumaki tayong naniniwala sa manananggal, apparently may ganu’n din sa Cebu, which is Lily and siya ‘yung ginagamit na panakot sa mga bata na dapat umuwi ng maaga kundi papatayin sila ni Lily.
“When they offered this project to me, nagsimula ito sa producer ko sa Single-Single (sa Cinema One) na si Bianca Balbuena and she’s a good friend of direk Keith Deligero.
“First time kong gumawa ng hard core independent film, at natatakot ako kasi ang kinalakihan ko ay mainstream, sabi ko, if gagawin ko ito, it’s going to be a risk kasi unang-una huhubaran ka, it’s going to be out of your comfort zone.
“Tapos all film is in Bisaya, so lahat ng katrabaho ko Bisaya. Alam n’yo naman po na galing kami sa Cebu, lumaki akong nakakaintindi ng Bisaya, pero hindi ako nakakapagsalita ng Cebuano. So malaking challenge po ito sa akin. Binigyan naman nila ako ng speech coach at talagang inaral ko,” ani Shaina.
Dagdag pa ng dalaga, “Masaya ako na nakatulong ako sa film na ito para sa Visayan industry na nagulat ako kasi malaki na pala ang film industry in Cebu. And they’re holding Binisaya Film Festival there and people all over the world are going to watch the films. Isa sa founder ng Binisaya Film Festival is my director, Keith Deligero.”
Makakasama rin sa “Lily” sina Rocky Salumbides at Natileigh Sitoy. Mapapanood ang lahat ng entries sa C1 Originals filmfest sa Trinoma Cinema, Gateway Cinema, Greenhills at Cinematheque.
Samantala, nag-viral ang video at photo nina Shaina at Piolo Pascual na kuha sa nakaraang Star Magic Ball kung saan makikitang sweet na sweet sila sa isa’t isa.
At nakapagtataka rin na agad itong tinanggal ni Piolo sa kanyang Instagram account. Pero huli na dahil may nag-grab na nito at mabilis na ni-repost. Pahayag ni Shaina, “You all saw the coverage of the Ball.
Everyone had fun. And I think yun naman ang reason why we had the Ball, so that we could all have fun.
“Sa sobrang busy namin lahat, it’s so nice to see our bosses and co-artists. It’s so nice to see everyone,
once a year lang siya nangyayari. As long as it’s clean fun, it should be okay,” paliwanag ni Shaina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.