Pacquiao todo-ensayo na kontra Vargas
MATAPOS ang kanyang mahigpit na iskedyul sa Senado, todo-ensayo na si Manny Pacquiao para sa laban niya kay World Boxing Organization welterweight champion Jessie Vargas sa Las Vegas, Nevada, USA.
Tatlong buwan matapos wakasan ang kanyang maigsing pagreretiro, nasa mga huling linggo ng paghahanda na si Pacquiao para sa laban niya na gaganapin sa Nobyembre 6 sa Thomas & Mack Center.
“It can be very difficult if you are not disciplined. But I feel good,” sabi ng bagong halal na Senador na si Pacquiao kahapon sa Wild Card Gym sa Hollywood, California, USA.
“Every day I was able to run in the morning and then train after the Senate session. The gym is very close to the Senate. It is important to win this fight convincingly to prove that I am still there,” dagdag pa ni Pacquiao.
Sinabi naman ng chief trainer ni Pacquiao na si Freddie Roach na ang patuloy na tagumpay ng 37-anyos na Pinoy boxing icon ay resulta ng kanyang puspusang pag-eensayo sa gym.
“His work ethic is still the greatest I have ever seen,” sabi ni Roach. “I am amazed that after 15 years of working together he still has that passion.
“He’s beating the mitts and beating his sparring partners. He still has the speed and power. Manny will punch this guy out,” dagdag pa ni Roach.
Naging impresibo naman si Pacquiao sa kanyang laban noong Abril kung saan nagawa niyang dominahin si Timothy Bradley sa kanilang laban.
Kung magwawagi kay Vargas, si Pacquiao ay posibleng makasagupa sa susunod na taon ang walang talo na si Terence Crawford.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.