May 3 numero sa SSS | Bandera

May 3 numero sa SSS

Liza Soriano - October 28, 2016 - 12:10 AM

AKO ay may-ari ng isang kumpanya. I have an employee who has three SSS numbers.

Ang sabi ko sa kanya, kailangan ko na siyang hulugan ng SSS bilang isang employer subalit ayaw naman niyang hulugan ko siya dahil aayusin muna daw niya ang kanyang SSS.

Pwede ko bang hindi muna siya hulugan? At kung huhulugan ko naman siya, anong numero ang dapat kong hulugan sa kanya? Ano ang dapat niyang gawin para maayos ang tatlong numbers niya sa SSS? Thanks for the help that you could extend to us.

Rossana Delgado
Brgy Alamanza,
Gov Pascual Drive,
Navotas City

REPLY: Ito ay tungkol sa katanungan ni Rossana Delgado ng Barangay Alamanza, Navotas City.

Nais naming ipabatid kay Miss Delgado na sa ila-lim ng batas, obligado ang isang employer na i-report ang lahat ng kanyang empleyado para masakop ng SSS. Ito ay sa pamamagitan ng pag-fill out at pagsumite ng Employment Report o SSS Form R-1A sa pinakamalapit na sangay ng SSS.

Responsibilidad din ng employer na ibawas mula sa sahod ng kanyang empleyado ang buwanang kontribusyon nito at, kasama ang employer share, ay i-remit sa SSS branch na may tellering facility, o di kaya sa mga accredited commercial banks, bayad centers at iba pang payment facilities ayon sa itinakdang schedule.

Sa ilalim din ng batas, may kaukulang parusa sa employer kapag hindi nagre-remit ng buwanang kontribusyon sa SSS at Employee’s Compensation (EC) ng kanyang empleyado. Ang sinumang employer na lalabag sa batas na ito ay pagmumultahin ng mula P5,000 hanggang P20,000 at maaaring makulong ng anim na taon hanggang 12 taon.

Para sa paghuhulog ng mga kontribusyon ng nabanggit na empleyado na may tatlong SSS number, maaari niya munang gamitin ang SS number na may pinakamaraming hulog.

Samantala, para sa multiple SS number ng kaniyang empleyado, pinapayuhan namin siya na magtunggo sa pinakamalapit na sangay ng SSS at mag-fill up ng Request for Cancellation at magdala ng dalawang valid ID. Susuriin ng SSS ang rekord ng tatlong SS number at ititira ang ng isang retained SS number. Lahat ng kontribusyon niya sa tatlong SS number ay pagsasamahin sa retained SS number.

Nawa’y nabigyan po namin ng linaw ang bagay na ito.

Salamat po.
Sumasainyo,
MAY ROSE DL. FRANCISCO
Social Security
Officer IV
Media Affairs
Department

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending