Coco, Vice patayan na ang shooting para umabot ang entry sa 2016 MMFF deadline | Bandera

Coco, Vice patayan na ang shooting para umabot ang entry sa 2016 MMFF deadline

Reggee Bonoan - October 27, 2016 - 12:05 AM

vice ganda at coco martin

PARA sa mga nagtatanong kung bakit wala sina Coco Martin at Julia Montes sa nakaraang Star Magic Ball, every year daw kasi ang present ang dalawa sa annual event.

Hindi na Star Magic talent si Julia kaya obviously, hindi na niya kailangang dumalo dahil baka hindi naman siya inimbitahan lalo’t wala rin si Coco na date sana niya roon.

Hindi rin nakarating si Coco sa PMPC Star Awards for TV para personal na tanggapin ang tropeo para sa napanalunang Best Drama Actor para sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano, kaya si Ms. Dagang Vilbar na isa sa program manager ng Dreamscape Entertainment ang tumanggap ng tropeo para sa aktor.

Paliwanag ni Ms. Dagang noong makita namin siya sa hallway ng Novotel Hotel kasama si direk Manny Palo kaya wala si Coco sa Star Magic ball, “Nagte-taping ng Probinsyano, naghahabol nga sila kaya wala, kita mo ngayon, wala rin siya. Kaya ako ang narito,” sabi sa amin.

Hirit namin, bakit wala rin si Julia at kung bakit wala na sa Star Magic ang dalaga, “Ay wala po akong alam, hindi ko masasagot ‘yan,” nakangiting sagot sa amin.

At kaya wala naman si Coco sa Star Awards ay dahil nagsu-shooting naman ng pelikula nila ni Vice Ganda, kuwento mismo sa amin ni Sir Deo Endrinal nang tanungin namin sa presscon ng Ikaw Lang Ang Iibigin.

“Naghahabol kasi sila ng pelikula ni Vice, ito ‘yung pang Metro Manila Film Festival, so kailangang matapos na,” sabi sa amin.

Tinanong din namin kung totoong wala na rin sa Star Magic si Coco, “Ay hindi ko alam, alam ko nandoon pa rin, si Biboy (Arboleda) ang tanungin mo siyempre siya ang manager ni Coco, wala akong alam d’yan.

“Basta ang alam ko, kaya wala si Coco sa Star Magic Ball, may taping ng Probinsyano, at kaya wala rin sa Star Awards, may shooting sila ni Vice,” diin sa amin ng TV executive.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending