KimErald balik-tambalan sa bagong serye ng ABS-CBN; payag sa kissing scene | Bandera

KimErald balik-tambalan sa bagong serye ng ABS-CBN; payag sa kissing scene

Reggee Bonoan - October 25, 2016 - 12:39 PM

Kim Chiu at Gerald Anderson

Kim Chiu at Gerald Anderson

BUHAY na buhay pa rin ang solid fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson, habang nagpe-presscon kasi para sa Ikaw Lang Ang Iibigin ay nag-trending at nag-number one pa sa Twitter ang mga litratong ipinost ng entertainment press na nasa event gamit ang hashtag na, #KIMERALDISBACK. Trending din ang hashtag na #IkawLangAngIibigin. Kaya naman sobrang nagpapasalamat sina Gerald at Kim sa kanilang mga tagasuporta dahil hindi bumitiw ang mga ito kahit na matagal na silang hindi nagkasama sa trabaho. “Thankful pa rin kami dahil nandiyan pa rin sila (KimeRald), that’s why were doing this and that’w why iba rin ‘yung motivation na talagang I’m gonna give my 110% sa project na ito dahil kung hindi rin dahil sa kanila, wala rin kami rito. “Sobrang thankful ako sa 10 year career ko and there’s so many things I wanna do pa and this one is in my bucket list kasi I wanted them to feel special na talagang nandiyan sila nu’ng wala pa kaming alam sa buhay. At sabi ko nga, iba ang motivation namin sa project na ito,” sabi ni Gerald. “Nakakagulat kasi nu’ng naging loveteam kami hindi naman uso ‘yang trending-trending na ‘yan, Pinoy Exchange lang kami (tumitingin), sa Friendster, so nagsisimula pa lang ang Facebook nandoon palang kami, pausbong pa lang kami, so parang it’s something new to look forward from this day on. “And ‘yun nga, ‘yung reaksyon ng mga tao hindi ko alam, kasi ngayon, in your face puwede na nilang sabihin sa social media kung ano ang reaksyon nila, so parang were happy na excited sila. Sana mas marami pa silang i-look forward in the next few days,” pahayag ni Kim. At dahil nag-trending na ang KimeRald ay tinanong si Kim kung paano niya ipalialiwanag sa fans nila ni Xian Lim kung bakit kailangang magtambal uli sila ni Gerald. Pakiusap ni Kim ay huwag na lang ittong gawan pa ng isyu dahil trabaho lang naman ang kanilang gagawin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending