Ex-Pagcor officials inireklamo sa maanomalyang kontrata
Inireklamo ng plunder ng Volunteers Against Crime and Corruption ang mga dating opisyal ng Philippine Amusement and Gaming Corporation kaugnay ng P3.21 bilyong kontrata na pinasok nito para gawing gaming facility ang dating Army and Navy club sa Roxas Blvd., Manila.
Inihain ang reklamo sa Office of the Ombudsman laban kina dating PAGCOR chairman Cristino Naguiat, dating Board of Director Jose Tanjuatco, dating Director Enriguito Nuguid; dating Director Eugene Manalastas, Atty. Jorge V. Sarmiento, at mga miyembro ng Bids and Award Committee na sina Milagros Pauline Visque, Ramon Jose Jones, Romeo Cruz, Jr., Annalyn Zoglmann, Atty. Kathleen Delantar at Manuel Sy.
Ayon sa VACC kuwestyunable ang kontrata na napunta sa Vanderwood Management Corp., batay sa pagsusuri ng Office of the Supervising Auditor.
Ang lupa ay pagmamay0ari umano ng Manila City government at nirentahan ng Oceanville Hotel and Spa Corporation. Ipina-sublease naman ito ng Oceanville sa Vanderwood.
Kuwestyunable umano ang pagbibigay ng P234 milyon sa Vanderwood bilang renta sa lugar lalo at ang Army and Navy Club ay idineklarang national historical landmark noong 1991.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending