National artist na si Rio Alma papalitan ni Freddie Aguilar sa KWF | Bandera

National artist na si Rio Alma papalitan ni Freddie Aguilar sa KWF

- October 24, 2016 - 04:39 PM

rodrigo duterte at freddie aguilarMUKHANG sisibakin na ang national artist na si Virgilio Almario (Rio Alma) bilang chairman ng Komisyon sa Wikang Filipino, at sinasabing papalitan ng mang-aawit na si Freddie Aguilar.

Ayon sa ulat, itatalaga si Aguilar bilang bagong chair ng komisyon sa Oktubre 30, habang si Almario ay mananatiling komisyuner ng KWF.

Ang pagtatalaga kay Aguilar sa pwesto ay bunsod na  rin sa courtesy resignation na inihain ni Almario, alinsunod sa kautusan ni Pangulong Duterte na pagbitiwin ang lahat ng presidential appointees ng nakaraang administrasyon.

Kinausap diumano si Almario noong isang linggo sa Malacanang para sabihin na papalitan na siya bilang chair ng komisyon ni Aguilar.  Gayunman, inirekomenda ni Almario si Dr. Purificacion Delima, isnag linguist mula sa UP Baguio, bilang kanyang kapalit.

Sa sandaling ma-appoint si Aguilar bilang chair ng KWF, posibleng maging nominado at mahalal ito bilang chair ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Magugunitang umugong ang balitang gagawin si Aguilar ni Duterte na chair ng NCCA ngunit umani ito ng pagbatikos, hanggang sa hindi na ito natuloy pa.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending