ARNEL PINEDA: Respetuhin na lang natin kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay niya!
Ipinagtanggol si Charice sa mga nang-aalipusta sa bago niyang itsura
NILINAW ng intenational singer na si Arnel Pineda na ‘di niya pinalitan ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas bilang endorser ng Puregold’s Tindahan ni Aling Puring.
Pinakanta lang daw sa kanya ang jingle para sa 10th anniversary nito.
At ayon naman sa mga taga-Puregold, natapos na raw kasi ang kontrata ni Ai Ai sa kanila.
“Wala akong ideya,” simpleng tugon ni Arnel.
Si Arnel daw talaga ang target ng Puregold para kantahin ang bagong jingle ng nasabing grocery store.
“Actually, I’m honored na nabigyan ako ng pagkakataon na kantahin ang first ever jingle nila para sa kanilang 10th anniversary at kinakatawan nito ang konspeto ni Aling Puring na nagbibigay tulong sa mga small entrepreneur para naman matupad ang pangarap nila, mapagtapos sa pag-aaral ang mga anak nila at magkaroon ng magandang kinabukasan,” paliwanag ni Arnel. “Tinanggap ko siya kasi maganda ‘yung melody niya, maganda ‘yung message niya.
‘Tsaka naka-relate ako, e. Ako rin naman small entrepreneur in a way kasi natututo pa lang ako magnegosyo.
Naramdaman ko ‘yung, merong sense of pride and gratitude na parang ako ang nagsasabi sa mga gustong umasenso ang buhay na pwede kung magiging agrisibo ka lang, kung magiging risk taker ka lang,” lahad niya.
Nagkaroon din daw siya ng maliit na negosyo during the time na wala pa siya sa The Journey noong 2003.
Small business lang na pagtitinda ng ulam sa kalye, “Nagluluto-luto lang ako sa bahay sa Kamuning with my wife. ‘Yung niluto ko nilalako niya.
Mahirap namang buhatin ang sariling bangko to say na masarap akong magluto.
But I think it’s good enough to sell it. Mostly Filipino food ang niluluto ko,” kwento niya.
Sa ngayon, hindi na raw siya masyadong nakakapagluto dahil sa sobrang kabisihin.
Although sa ngayon pahinga muna siya sa Pilipinas with his family.
“In 10 days I’ll be leaving for Europe na. Eleven shows naman ang gagawin namin (Journey).
Three weeks lang and then I’ll come back.
Tapos break for another 20 days and then fly to America. Summer tour naman,” pagri-reveal ni Arnel.
Natanong din si Arnel as an international artist kung ano ang masasabi niya sa mga nangba-bash kay Charice dahil sa bago niyang image, ito ang naging tugon niya, “Hindi ko talaga alam exactly ang rason niya bakit niya pinalitan image niya.
Pero as an artist katulad niya, naiintindihan ko ‘yung changes niya, ‘yung gusto niyang gawin sa sarili niya, iginagalang ko ‘yun.
“Pero kung hindi naging maganda ang pagtanggap ng ibang tao sa kanya at bina-bash siya I think we should just give her kung ano ‘yung respect na due para sa kanya.
Siguro I think she just has to continue singing kasi that’s what made her standout and that’s what will keep her to standout,” ani Arnel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.