Female star tinawag na Plastic Queen, mahilig mag-uwi ng tira-tirang pagkain | Bandera

Female star tinawag na Plastic Queen, mahilig mag-uwi ng tira-tirang pagkain

Cristy Fermin - October 24, 2016 - 12:15 AM

blind item female

TAWA nang tawa ang aming source dahil sa nakakalokang kuwentong nakarating sa kanya tungkol sa isang female personality. Walang-wala raw kasi sa itsura ng aktres ang mga impormasyong natanggap nito mula sa mga kasamahan nila sa trabaho.

Plastic queen ang tawag ng kanyang mga kasamahan sa isang magandang aktres hindi dahil sa sobra siyang plastic kundi dahil sa pag-uuwi ng mga tira-tirang pagkain sa set.

Palagi raw may nakahandang plastic ang aktres para paglagyan ng mga food na ayon sa kanya ay ipakakain niya sa kanyang mga alagang aso at pusa sa bahay nila.

Pero nabuking na nagsisinungaling ang aktres dahil na rin sa kanyang PA at dri-ver. May kuwento tungkol du’n ang kanyang “entourage” na ikinaloka ng mga personalidad na nakarinig ng kuwento.

“Nakakaloka! Panay-panay ang uwi niya ng lafang sa housing authority niya, sayang daw naman kasi, dahil pakikinabangan pa ‘yun ng mga alaga niyang aso at cat!

“Palagi siyang ganu’n, para siyang girl scout na palaging handa, dahil meron na siyang mga dala-dalang plastic na paglalagyan ng mga leftover ng catering sa set.

“Okey lang naman ‘yun dahil sumosobra ang food para sa lahat, kaya lang, nabukelya ang drama niya dahil sa mga kuwento ng PA niya at piloto!

“Sabi kasi ng dribam, kung ano raw ang kinakain nila sa set, e, ‘yun din ang i-pinakakain sa kanila ni ____ (pangalan ng magandang aktres), iniinit na lang nila.

“Para sa mga aso at pusa lang pala ang mga pagkain, ha? Buti na lang at hindi niya rin sinabi na para sa mga mouse ‘yun, para kumpleto na ang kadramahan niya!

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, para sa mga mouse, getlak n’yo na?” tawa pa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending