Mga epektibong paraan upang magka-baby (2) | Bandera

Mga epektibong paraan upang magka-baby (2)

Joseph Greenfield |October 21,2016
facebook
share this

Mga epektibong paraan upang magka-baby (2)

Joseph Greenfield - October 21, 2016 - 12:15 AM

Sulat mula kay Merlyn ng Barra, Opol, Misamis Oriental
Problema:
1. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung nakikita rin ba sa kapalaran ng isang tao kung kailan siya magkaka-anak o mabubuntis? Kasi anim na taon na kaming nagsasama ng mister pero hanggang ngayon wala pa rin kaming anak. Masipag naman kaming gumawa ng baby at nagawa na namin halos ang lahat ng mga paraang ina-advice ng mga friend namin, pero until now bigo pa rin kaming makabuo.
2. Sana sa tulong mo ay magka-baby na rin kami upang makumpleto na ang aming pamilya. Kung magkaka-anak pa kami, kailan kaya? Kung hindi naman, okay lang kayang mag-ampon? Ano ang magandang birthday ng batang aampunin namin? June 13, 1985 ang birthday ko at February 10, 1983 naman ang mister ko.
Umaasa,
Merlyn ng Misamis Oriental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Gemini (Illustration 1.) at Aquarius naman kay mister ay nagsasabing upang mas madaling magkaanak, piliing magsiping o magtalik tuwing sasapit ang New Moon o kaya’y Full Moon.
Numerology:
Ang birth date mong 13 at 10 naman kay mister ay nagsasabing bukod sa nabanggit na panahon ng New Moon o Full Moon, isaalang-alang din sa pagtatalik ang mga petsang 7, 16, 25, 5, 14, 23, 6, 15 at 30. At sa halip na gabi, sa umagang-umaga o habang sumisikat ang araw sa silangan o kaya’y sa katanghaliang tapat kayo magtatalik.
Luscher Color Test:
Kailangan ding gumamit ng kulay na pula o kaya’y berde sa loob ng inyong kuwarto habang nagtatalik upang sumigla at sumilakbo ang inyong libido at matinding pagnanasa. Habang sa hapag kainan o mesa, laging mag lagay ng mga prutas o gulay na maraming buto at ito rin ang dapat mong kaining lagi upang mas madali kayong magka-baby.

Huling payo at paalala:
Merlyn, ayon sa iyong kapalaran, tapos na ang pagkainip at paghihintay sapagkat itinakda na ang magaganap. Tulad ng nasabi na, sa susunod na taong 2017, sa buwan ng Pebrero kaya’y Marso, isang sanggol ang kusang mabubuo sa iyong sinapupunan upang pagsapit ng buwan ng Disyembre, sa panahon ding papalapit na ang kapaskuhan, isang malusog at matalinong lalaking sanggol ang isisilang na tatawaging “Pinagpal.” Siya na ring kukumpleto sa pagmamahalan at kaligayahan ng inyong pamiya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending