Horoscope, October 21, 2016 | Bandera

Horoscope, October 21, 2016

Madam Sophia |October 21,2016
facebook
share this

Horoscope, October 21, 2016

Madam Sophia - October 21, 2016 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Magsuot ng kulay red. Sa ganyang paraan, magtutuloy-tuloy ang daloy ng suwerte at magandang kapalaran sa pag-ibig at pagkakaperahan sa susunod na linggo at bago matapos ang buwang ito ng Oktubre. Mapalad ang 3, 9, 27, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Bukod sa red, ang pink din ay buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Maaasar ka na naman sa iyong kapaligiran dahil kung ano ang ayaw mo ay iyon ang ginagawa nila. Ganoon talaga ang mangyayari hangga’t hindi ka lumalayo sa dati ng kapaligiran. Sa malayong pook ay may masarap na romansa at suwerteng kapalarang naghihintay. Mapalad ang 3, 12, 27, 39, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om.” Bukod sa blue ang lilac ay buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Sa pag-ibig, mahalaga ang bawat oras na lumipas upang ipadama sa kasuyo ang wagas na pagmamahal. Sa pinansyal, mahalaga na may savings ka upang paghandaan ang future, kaya magsimula ka ng magtipid at mag-ipon. Mapalad ang 4, 7, 16, 25, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mohaya-Aum.” White at emerald green ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Sa pag-ibig, upang tumibay ang pagmamahalan ikaw at ang iyong kasuyo ay dapat na laging magsuot ng silver na singsing. Sa pinansyal, ang antigo at lumang white gold ang magdadala ng buenas. Mapalad ang 5, 18, 23, 32, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Purana-Visnu.” Blue at gray ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Malaking halaga ng salapi ang darating, itago mo ito at ilaan para sa araw ng Pasko. Sa pag-ibig, ngayon pa lang iplano n’yo na ang Christmas date na gagawin ng iyong kasuyo. Mapalad ang 7, 18, 27, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Green at beige ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Upang umunlad ang anomang itatayong negosyo, “araw na may walong sinag” ang gawing simbolo. Sa pag-ibig, kulay dilaw ang magpapalakas ng iyong magnetismo. Mapalad ang 1, 9, 28, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Om.” Bukod sa dilaw, ang orange ay buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Wag malungkot kahit hindi natapos ang ginagawa dahil may bukas pa! Ang mahalaga,
magtiwala sa iyong ksariling kakayanan. Sa pag-ibig magtiwala sa iyong likas na kagandahan wag umasa sa make-up at kolorete. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Om-Yophiel.” Silver at maroon ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Magnilay-nilay sa nangyayaring pagsubok sa inyong relasyon. Mamayang gabi ay makatutuklas ka ng epektibong sosluyon. Sa pinansyal, habang naglalakad-lakad bigla kang makakapulot ng malaking halaga. Mapalad ang 3, 9, 15, 24, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “El-Adonai-El-Elohim.” Lilac at yellow ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Wag isiping nagkakaedad ka na, marami ka pang magagawa upang umunlad at magpayaman – umpisahan mo na! Sa pag-ibig, tandaan na “ang pusong laging nagmamahal, batang lagi ang pakiramdam!” Mapalad ang 9, 15, 27, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Savitre-Om-Akaye.” Baby pink at blue ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Kung namumroblema sa salapi, masosulusyonan sa susunod na mga araw ang mahalaga lagi kang magsuot ng kulay pula at lilac. Sa pag-ibig, panatiliin ang pakikipagrelasyon sa maperang Aries. Mapalad ang 5, 18, 27, 34, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Om.”

Capricorn – (December 22 – January 19) — Iwasang makisama sa mga walang kuwentang tao—ipapahamak ka lang nila. Sa mga liyamado at madalas manalo ka makisama upang mahawahan ka nila ng suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, wala kang talo kung isang Cancer ang makakarelasyon mo. Mapalad ang 4, 19, 22, 32, 35 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Om.” Gold at orange ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag susuko sa mga problema! Isang Leo ang magpapautang ng malaking halaga. Sa pag-ibig, may masarap na romansang hatid ang isang mapang-akit na Libra. Mapalad ang 5, 15, 22, 34, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kaleneha-Om-Mahata.” Yellow at lilac ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Walang dapat gawin sa ngayon kundi ang magpayaman. Makikita mo kapag mayamang-mayaman ka na, makakaamot ka rin ng isang tunay at wagas na pagsinta. Sa panahon ngayon, alalahanin mo, “lahat ng bagay ay kayang-kayang bilhin ng salapi!” Mapalad ang 1, 10, 19, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” White at pink ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending