Nagsawa na rin daw, mauuna pa yatang lumipat kay Marian
JUST because his manager Perry Lansigan was seen inside ABS-CBN compound ay kumalat na ang balitang lilipat na si Dingdong Dantes sa Kapamilya network.
Tongues started wagging when Perry, in an interview, dropped hints na puwedeng manatiling Kapuso pa rin si Dingdong at puwede rin namang hindi na.
It was not clear, however, kung ang ipinunta niya sa ABS-CBN ay para sa possible inclusion ni Dingdong bilang Kapamilya talent na.
Puwede rin naman kasing he was there for a possible negotiation sa isang movie.
Dingdong’s contract with the Kapuso network will be expiring on August.
Hindi lang kami sure kung may naka-stipulate sa kanyang kontrata na may power ang GMA na i-renew ito sa ayaw at sa gusto ni Dingdong.
Naku, kapag iniwan pa ni Dingdong ang Siyete ay sino na lang ang matitira sa kanila, mga starlets?
Teka, bakit parang atat na atat mag-alisan ang mga Kapuso stars sa kanilang network?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.