Anne, Paolo natulala nang makita ang hubad na katawan ni Dennis | Bandera

Anne, Paolo natulala nang makita ang hubad na katawan ni Dennis

Reggee Bonoan |October 21,2016
facebook
share this

Anne, Paolo natulala nang makita ang hubad na katawan ni Dennis

Reggee Bonoan - October 21, 2016 - 12:30 AM

PAOLO BALLESTEROS, DENNIS TRILLO AT ANNE CURTIS

PAOLO BALLESTEROS, DENNIS TRILLO AT ANNE CURTIS

BASTA ang masasabi namin ay nakakatawa ang pelikula, lalo na si Anne na muling pinatunayan ang galing sa comedy. Panalo rin ang mga hirit ni Paolo bilang closet gay na sikretong pinagnanasahan ang kanyang bestfriend. Revelation naman si Dennis sa movie na for the first time ay nagsuot ng trunks sa pelikula kaya hiyawan ang lahat ng nasa SM Megamall Cinema 7.

Aliw na aliw kami sa naging reaksiyon nina Paolo at Anne nang humarap sa kanila ni Dennis nang nakahubad. Nakaka-distract lang ang mga tattoo niya.

Nakakatawa nga bossing Ervin dahil habang pinanonood namin si Dennis ay si Jennylyn Mercado ang aming nasa isip. Siguradong proud na proud ang aktres dahil pinagpapantasyahan ng mga babae at beki ang boyfriend niya.

Hindi namin kilala ang gumanap na gym instructor cum fashion designer na baklang-bakla ang role sa movie. Ang laki-laki kasi ng katawan nito pero kung makasigaw at makagiling ay daig pa ang babae.

Tawanan naman ang lahat sa maikling eksena ni Joross Gamboa kasama si Anne na kinunan sa loob ng sinehan. Nag-dialogue kasi ang aktor nang hindi pumayag si Anne na may mangyari sa kanila ng, “Hindi ka naman maganda, eh, maputi ka lang. At ang kapal ng bibig mo!” sabay alis.

Naka-deliver naman si Yam sa papel niyang sossy girlfriend ni Dennis, medyo makapal lang ang make-up kaya namumuti minsan ang face lalo na nu’ng tinamaan ng ilaw. Pero sa kabuuan, nakasabay naman siya sa tatlong bida ng movie.

Sa mga gustong matawa at sumaya ang pakiramdam at mawala ang stress sa buhay, bagay sa inyo ang pelikulang “Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend?” na showing na ngayon sa mga sinehan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending