CHIZ bugbog-sarado sa mga iskandalo mula nang maging girlfriend si HEART
MATAGAL ko nang kaibigan si Sen. Chiz Escudero, isa siya sa mga senador na masarap barkadahin though we don’t get a chance to go out.
Paminsan-minsan lang kami nagkakasalubong ng landas pero in fairness to him, kahit hindi panahon ng eleksiyon ay bumabati ‘yan at tumutulong.
Ilang beses na rin siyang tumulong sa mga concerts namin, ilang years na pero hindi mo siya makitaan o maringgan ng panunumbat.
Mabuti ang kanyang puso.
Sayang nga dahil never ko pa siyang nakainuman, pareho kasi kaming umiinom – ako bihira lang – ewan ko lang siya. Ha-hahaha!
Mula nang ma-link siya kay Heart Evangelista ay nagkasunud-sunod ang mga issue sa kanya.
Mas malaki pa ang gulong naidulot nito kaysa nu’ng nakipaghiwalay siya sa kanyang misis.Kasi nga, biglang umeksena ang parents ni Heart at talagang kung anu-anong pasabog ang pinagsasabi ng mga ito. But in fairness kay Sen. Chiz, as an educated gentleman, hindi niya sinabayan ang galit ng mga magulang ni Heart.
Tahimik lang siya though he has every reason para balikan ang mga ito.
May pangalan siyang inaalagaan bilang public servant pero he opted to keep mum on the issues.
Kung sa mga Barretto naganap ito, tiyak na nagbatuhan na sila ng maaanghang na salita.
But not Sen. Chiz, he’s too decent for that.
Sabi nila, bumaba raw ang rating ni Sen. Chiz sa survey dahil kay Heart.
Pero sabi naman ni Sen. Chiz ay wala raw kinalaman ang pagka-link niya kay Heart sa pagbaba ng ratings niya.
Hindi lang naman daw siya ang bumaba ang rating, marami raw sila – dala raw ng sobrang pag-limit sa kanilang TV advertisements and other campaign ads.
Pero in fairness sa kanya, kahit bumaba man siya sa ratings, bahagya lang, hindi naman sadsad.
Nasa top 5 pa rin naman siya kaya sure na siya ng isang seat sa Senado.
Hindi talaga siya puwedeng matinag.
Matalino, karinyoso at masipag si Sen. Chiz.
May kakaibang karisma na kanyang-kanya lang kaya walang dapat ikabahala ang supporters niya dahil malakas sa tao si Sen. Chiz.
Huwag lang padadala sa gawaing Trapo – okay naman yung kumita huwag lang garapal.
Bakit? Sino ba sa mga pulitiko natin ang naghirap mula nang maupo?
Sige nga – kindly name names.
Wala, di ba? Wala! Wala! Wala! (Ayaw ni Carlo Aquino ng linyang iyan! Dapat daw Meron! Meron! Meron! Ha-hahaha!)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.