Pa-booking na mga modelo at artista nawalan ng raket | Bandera

Pa-booking na mga modelo at artista nawalan ng raket

Cristy Fermin |October 20,2016
facebook
share this

Pa-booking na mga modelo at artista nawalan ng raket

Cristy Fermin - October 20, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM FEMALE 0311BAGSAK na bagsak ngayon ang negosyo ng mga babaeng may katapat na presyo ang pagbibigay ng panandaliang aliw. Naiinis sila sa isang female personality na nagbuyangyang tungkol sa kanilang monkey business.

Napakalaki kuno ng ihinina ng kanilang negosyo, kaliwa’t kanang tawag at text ang tinatanggap ngayon ng mga Boogie Wonderland (read: pimp, bugaw), nakikiusap kuno ang mga kababaihang ito na ihanap sila ng raket.

Kuwento ng aming source, “Maraming ibinibigay na dahilan ang mga babaeng ganu’n ang trabaho. Katapusan na, kailangan na nilang magbayad sa inuupahan nilang condo unit.

“Kailangan na nilang magbayad ng kuryente, du’n nila iniaasa ang mga bayarin nila buwan-buwan. Wala silang ibang pagkukunan, sa dyokaran lang sila umaasa, kaya talagang apektado sila.

“Meron namang gumagawa ng ganu’n na puro granatsa lang ang dahilan. May gusto silang bilhing branded shoes and bag, may bagong gadget silang gustong bilhin. Sa pakikipagkuyangyangan lang din nila kinukuha ang pambili ng mga stuff na gusto nilang magkaroon,” kuwento ng aming source.

Karamihan pala sa kanila ay modelo, may mga nag-aartista rin, mas maraming exposure ay mas mataas ang kanilang singil.

Patuloy ng aming impormante, “May mga gumigimik pa nga d’yan, magpapa-interview, kailangang may picture sila kapag lumabas ‘yun. Iniipon kasi nila ‘yun, naka-clippings, ‘yun ang ipinakikita ng Boogie Wonderland sa mga naghahanap ng alam n’yo na!

“May kani-kanyang atake rin ang mga babae, alam na alam na nila ang takbo ng negosyo nila. Pero gutom ang inabot nila dahil naging controversial ang issue tungkol sa mga babaeng dinadala sa kulungan.

“Buwisit na buwisit sila sa female personality na nagdumaldal, pero bigla namang natakot nu’ng bandang huli na. Kakalbuhin daw nila ang babaeng ‘yun!” napapailing na kuwento ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kailangan n’yo pa ba naman ng clue tungkol sa hitad na babaeng kinaiinisan ng mga girlash na itey? Kayo pa?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending