Paulo Avelino tinupad ang pangarap ni Ritz Azul | Bandera

Paulo Avelino tinupad ang pangarap ni Ritz Azul

Reggee Bonoan |October 20,2016
facebook
share this

Paulo Avelino tinupad ang pangarap ni Ritz Azul

Reggee Bonoan - October 20, 2016 - 12:20 AM

paulo avelino at ritz azul

HINDI nawawala sa eksena si Ritz Azul dahil visible naman siya sa mga product launching tulad ng dinaluhan nitong famous Italian hair products ng Selective Professional sa Solaire kamakailan, bukod dito ay may mga upcoming TV guestings siya tulad ng Ipaglaban Mo at Wansapanataym.

Sabi namin kay Ritz na huling napanood sa FPJ’s Ang Probinsyano, mukhang matagal na siyang hindi napapanood sa TV, anong nangyari na sa pinirmahan niyang kontrata sa ABS-CBN?

Sagot ng dalaga, “Taping po ako ng Promise Of Forever after po ng guesting ko sa Ang Probinsyano, nasa week three na po kami ngayon.”

Under Dreamscape Entertainment ang Promise Of Forever, at isa sa mga direktor nito ay si Hannah Espia na nakilala sa indie film na “Transit” at nakakuha ng maraming awards kasama na ang Best Director sa 2013 Cinemalaya. Kasama ni direk Hannah si Direk Darnel Villaflor sa serye.

Kuwento ni Ritz, “Nakakatuwa nga po sa haba ng taping namin, nagkakaroon na kami ng bonding with the cast and buong production, mas naayos ‘yung shots sa mga eksena, mas naalagaan. Kaya kapag ipinalabas na, hindi mukhang minadali.”

Masayang ikinuwento ni Ritz na natupad na ang pangarap niya na makatrabaho ang dalawa sa mga hinahangaan niyang aktor sa ABS-CBN, sina Coco Martin at Paulo Avelino na leading man niya ngayon sa Promise Of Forever.

Kumusta naman katrabaho si Paulo, “Ano kasi, pagpasok ko ng ABS, sinabi ko na gusto ko siyang makatrabaho bukod kay Coco na nangyari na nga. Overwhelming na kaagad ako na siya (Paulo) ang nakatrabaho ko sa first serye ko sa ABS-CBN. Bilang katrabaho naman, nagiging open ako sa kanya, kinakabahan ako, sabi ko, tulungan mo ako, hindi ko alam, first time ko with ABS-CBN, tinuturuan niya ako kung paano makisama,” sabi ng aktres.

Isa pang hindi malilimutan ni Ritz ay nang makasama niya si Paulo sa workshop kay Ivana Chubbuck na may acting school sa Los Angeles, California, USA nat dumating ng Pilipinas kamakailan para magturo.

“Nu’ng nag-workshop po kami, naging close kami ni Paulo nu’ng time na ‘yun at doon ko siya nakilala nang husto sa workshop,” saad ng dalaga.

May nabanggit bang girlfried si Paulo kay Ritz, “Wala naman siyang nababanggit na may girlfriend siya, sabi niya single siya,” napangiting sabi ng aktres.

Sa tanong namin kung single ang dalaga ngayon, “Single,” sabay tawa. “Single, walang etchos, ikukuwento ko kung meron,” sabi pa ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending