Kilalang aktor huli sa akto ni misis habang pinaliligaya ang kabit | Bandera

Kilalang aktor huli sa akto ni misis habang pinaliligaya ang kabit

Cristy Fermin - October 19, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM MALE 0624

PAGKATAPOS nang mahabang panahon ay ayaw pa ring tantanan ng kung sinu-sino diyan ang isang kilalang aktor na nagkaroon ng kaugnayan sa isang female personality na napakakontrobersiyal ngayon.

Sabi, ang babaeng ito diumano ang pinakadahilan kung bakit nagkahiwalay ang kilalang aktor at ang kanyang misis, nahuli raw ng misis ng aktor ang female personality sa mismong bahay-bakasyunan nila sa isang hindi kalayuang lugar sa Maynila.

Wala raw kaalam-alam ang pamosong aktor na huhulihin siya ng kanyang misis, kaya ang lakas-lakas ng loob niyang dinala sa lugar ang sinasabing kerida niya, timbog sila ng misis na aktres ng lalaki.

Kuwento ng aming source, “Totoong naging sila. Dinadala talaga ni ____ (pangalan ng kilalang aktor) ang babaeng ‘yun sa rest house nila. Natunugan ‘yun ng wife niya, kaya isang araw, e, sinorpresa siya ng dalaw.

“Ayun, Julie Andrews (read: huli) niya ang husband niya na kasama sa bahay-bakasyunan nila ang girl na alam n’yo na kung ano ang ginagawa,” sabi ng aming source.

Pero walang katotohanan na ang popular na aktor ang ama ng dinadala ngayon ng kontrobersiyal na babae, napakalayo nu’n sa katotohanan, dahil taon na silang hindi nagkikita.

Ang itinuturong ama ng dinadala ng babae ay anak ng isang kilalang pigura sa isang malaganap na relihiyon. Matagal na pala nitong karelasyon ang female personality pero walang alam tungkol du’n ang kanyang mga magulang na may mataas na posisyon sa kanilang sekta.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, magagaling na kayong manghula, meron na kayong trono, kaya siguradong matutumbok n’yo kung sinu-sino ang mga bumibida sa istoryang ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending