Meralco tatapusin na ng Ginebra | Bandera

Meralco tatapusin na ng Ginebra

Angelito Oredo - October 19, 2016 - 12:15 AM

PBA, Ginebra, Meralco

Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
7 p.m. Meralco vs
Barangay Ginebra
— Game 6, PBA Finals —

ISANG panalo na lang.
Yan ang kailangan ng Barangay Ginebra para mapatid ang walong taong pagkauhaw sa kampeonato sa Philippine Basketball Association.
Lamang sa best-of-seven series ang Gin Kings laban sa Meralco Bolts, 3-2, at kung muling mananaig ang pinakasikat na koponan sa liga ay makokopo nito ang kampeonato ng PBA Governors Cup.
Tatangkain din ni Ginebra coach Tim Cone na masungkit ang kanyang ika-19 kampeonato bilang coach na siyang pinakamarami sa kasaysayan ng PBA.
Pero bago mangarap ng selebrasyon at magplano ng victory party ay may kailangan pang gawin ang Gin Kings ngayong gabi.
Kailangan pa nilang idispatsa ang Bolts sa Game Six ngayon o di kaya ay sa Game Seven.
Pero kung si coach Tim ang tatangungin ay ayaw na niyang ipagpapabukas pa ang koronasyon. Ngayon pa lang ay dapat tapusin na ng Ginebra ang serye.
Matapos na makuha ng Meralco ang 2-1 kalamangan sa serye ay tumuhog ng kambal na panalo ang Gin Kings kung saan sa huli nitong laro ay ang mga beteranong sina Jayjay Helterbrand at Mark Caguioa pa ang nagbida para sa koponan. —Angelito Oredo

Photo: Inquirer.net

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending