MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. May 10 years na rin pong nagtatrabaho sa barko ang father ko bilang isang seaman. Nakatapos na rin ako ng pag-aaral sa kursong Biology sa Adamson University pero hanggang ngayon ay hindi pa po ako nakakahanap ng trabaho.
Dahil wala pa po akong trabaho, kaya ako muna ang nag-aalaga sa aking ama na ngayon ay pansamantala munang hindi makapagtrabaho dahil sa kanyang lung disease.
Taong 2015 ito nangyari eto. Bagaman nakapag-claim naman siya ng disability benefit sa SSS, may nagsabi po sa akin bukod daw po sa SSS claim ay pwede rin siyang makakuha ng benepisyo sa ECC.
Gaano po ito katotoo at paano po mag file at may duration po ba ang pag file ng claim? Sana ay matulungan ninyo ako sa aking mga katanungan. Malaking tulong po ito kahit paaano ay pandagdag sa pambili ng gamot ng aking ama. Salamat po.
Belinda Garcia
Brgy Lawang Bato, Valenzuela City
REPLY: Para sa iyong katanungan Ms. Garcia, tama na saklaw ng benipisyo ng ECC ang iyong ama bilang isang seafarer dahil ang mga seafarers o seaman ay miyembro ng ECC dahil nasasaklawan sila ng employee, employer relationship kumpara sa land based na hindi miyembro ng ECC sapagkat karamihan sa kanila ay boluntaryo lamang na naghuhulog sa SSS.
Ngunit kinakailangan munang dumaan sa medical evaluation para masuri kung ang dahilan ng pagkakasakit ng iyong ama ay work related o may kinalaman sa kanyang trabaho.
Ang naghahabol o ang kanyang kinatawan ay maaaring mag file ng claim sa SSS .
Ang claim ay dapat i file sa loob ng tatlong taon o may 3 yrs a prescriptive period sa kaso ng pagkakasakit, sa kaso ng pinsala o maging sa kaso ng kamatayan.
Punan ang form ng SSS at ilakip ang mga kinakailangang dokumento.
Ang lahat ng EC claims ay maaaring i file ng claimant batay sa kanyang option sa regional office /branch ng SSS.
Atty. Jonathan VillaSotto
Deputy Director
Employees Compensation Commission
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.