Padalang pera ng OFW tumaas | Bandera

Padalang pera ng OFW tumaas

Leifbilly Begas - October 17, 2016 - 07:42 PM
ofw Tumaas ang halaga ng remittance na ipinadala ng mga Overseas Filipino Workers sa bansa, ayon sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas.      Umabot sa $2.2 bilyon ang personal remittance noong Agosto 2015 at tumaas ito sa $2.559 bilyon sa kaparehong buwan ng 2016.      Ang cash remittance (perang ipinadala sa pamamagitan ng bangko) naman ay tumaas sa $2.3 bilyon mula sa $1.9 bilyon.      Mula Enero hanggang Agosto ngayong taon, umabot na sa $19.4 bilyon ang personal remittance mas mataas sa $18.6 bilyon na naitala sa kaparehong panahon noong 2015.      Ang cash remittance naman ay may kabuuang halagang $17.6 bilyon mula sa $16.8 bilyon.      Karamihan ng nagpadala ng personal remittance ay mga land-based OFW na mayroong isang taong kontrata pataas. Umabot ito sa $15.1 bilyon.       Ang remittance naman ng sea-based OFW na hindi aabot sa isang taon ang kontrata ay $4.1 bilyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending