P3k dagdag hindi sa lahat ng pulis at sundalo | Bandera

P3k dagdag hindi sa lahat ng pulis at sundalo

Leifbilly Begas - October 17, 2016 - 07:20 PM
  duterte Hindi lahat ng pulis at sundalo ay makatatanggap na pagtaas sa kanilang take home pay sa ilalim ng Executive Order no. 3 na pinirmahan ni Pangulong Duterte.      Ayon kay House deputy speaker Rolando Andaya Jr., ang mga makatatanggap lamang ng P3,000 combat pay ay ang mga pulis at sundalo na kasali sa combat operation.      “Hindi lahat, mga eighty percent lang (ang mga pulis at sundalo ang makikinabang) kasi combat duty ka dapat eh,” ani Andaya sa press briefing kahapon. “’Pag ang combat mo ay nakaupo ka lang sa desk eh hindi kasama yun at saka kaldero ang baril mo, eh kasama yun.”      Sa kasalukuyan ay P500 kada buwan ang combat pay ng mga sundalo at P340 naman ang mga pulis.      Bago aprubahan ang P3.3 trilyong budget sa ikalawang pagbasa, tinanong ni Andaya ang Department of Finance kung saan nito kukunin ang P12 bilyong pondo na kailangan sa pagtataas ng combat pay.      Sinabi ng DOF na kukunin ito sa Miscellaneous personnel benefits fund.      Nang tanungin ni Andaya kung sapat ang MPBF upang tuparin ang EO 3, sinabi nito na: “meron naman pero ubos yun”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending