'Siguro napagod na sila sa mga sakit na idinulot ng magaganda!' | Bandera

‘Siguro napagod na sila sa mga sakit na idinulot ng magaganda!’

Ervin Santiago - October 18, 2016 - 12:01 AM

anne curtis at vice ganda

DIRETSONG sinagot ni Vice Ganda ang tanong ng isa sa kanyang BFF na si Anne Curtis na may konek sa isyu ng kabaklaan.

Nag-guest si Anne last Sunday sa Gandang Gabi Vice para sa promo ng latest niyang movie na “Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend” at dito nga niya naitanong kay Vice ang titulo at tema ng kanilang pelikula.

“Bakit ba lahat ng gwapo may boyfriend? Kasi, sorry sis ah, maganda ka pero gwapo ka rin,” ani Anne sa kanyang kaibigan.

Tugon ng Unkabogable Star, “Siguro ‘yung mga gwapo, napagod na rin sa mga sakit na idinulot ninyong magaganda.”

Palakpakan at sigawan ang GGV studio audience sa sagot ng TV host-comedian, at maging si Anne ay affected sa tinuran ni Vice.

Samantala, hindi na napipikon o nape-pressure si Anne kapag paulit-ulit siyang tinatanong tungkol sa pagpapakasal at pagbuo ng sariling pamilya tulad ng mga kaibigan niyang sina Solenn Heussaff, Isabel Daza at Georgina Wilson.

Sa interview ng Tonight With Boy Abunda, sinabi ni Anne na okay lang kung palagi siyang natatanong tungkol sa pag-aasawa, hindi naman daw siya nao-offend.

“I’ve gotten used to it already especially this year na ang dami na talaga sa group of friends ko na tied the knot. Kami na lang ni Liz (Uy).

“Hindi talaga ako naba-bother. In the beginning, parang ano ba, tama na. But after a while, okay na. Nasanay na lang din,” esplika ng It’s Showtime host na ilang taon na ring karelasyon ang businessman-cooking show host-food blogger na si Erwan Heussaff.

Naniniwala si Anne na ang pagpapakasal ay hindi minamadali, sa ngayon kasi ay mas gusto pa rin niyang i-priority ang kanyang career, “When the right time comes, it will happen.”

Sa huling panayam namin kay Anne sa presscon ng “Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend” under Viva Films sinabi ng dalaga na nakikita niya ang sarili na nagpapakasal in two to three years from now.

q q q

Ayaw nang magkomento pa ni Vice Ganda tungkol sa kontrobersyal celebrity drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi na rin daw gusto ng komedyante na magbigay ng kanyang saloobin sa isyu kung kailangan nga bang pangalangan ng PNP ang mga artistang nasa listahan ng mga artistang adik at pusher.

“Unang-una, di naman ako bahagi ng adminstrasyon. Sino naman ako para magsabi na hindi aprubado sa akin?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Saka ngayon, sa dami ng mga isyu, sa gulo at sa dami ng nagdedesisyon, ayoko nang dumagdag sa pagdidiskusyunan ng mga tao.

“Tsaka kapag sinagot kita, magkakaroon pa ‘yan ng sanga-sanga, hahaba pa ‘yan. Du’n na lang tayo sa mga masasayang isyu,” paliwanag pa ng TV host-comedian sa isang TV interview.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending