Bagyong Lawin mananalasa sa Cagayan area
Inaasahang lalo pang lalakas ang bagyong Lawin bago ito mag-land fall sa Luzon.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang bagyo ay pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang bagong may international name na Haima.
Kung hindi magbabago ang direksyon ang bagyo ay inaasahang magla-landfall sa Cagayan area sa Huwebes at tatawid sa Ilocos Norte at Apayao.
Maaaring lumabas ito ng PAR sa Biyernes.
Kahapon ang bagyo ay may hangin na umaabot sa 175 kilometro bawat oras ang pagbugsong 215 kilometro bawat oras.
Umuusad ito sa bilis na 24 kilometro bawat oras patungong kanluran-hilagang kanluran.
Ngayong umaga (Martes) ang bagyo ay inaasahang nasa layong 975 kilometro sa silangan ng Baler, Aurora. Bukas (Miyerkules) ito ay nasa layong 400 kilometro sa Casiguran, Aurora.
30
No Matter How Bad Yesterday Was,
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.