Walang ebidensiya laban kay Duterte; kasong perjury, murder inihahanda vs Matobato | Bandera

Walang ebidensiya laban kay Duterte; kasong perjury, murder inihahanda vs Matobato

- October 17, 2016 - 04:27 PM

matobato

SINABI ni Sen. Richard Gordon na walang nakitang ebidensiya ang mga komite na nag-imbestiga sa umano’y extrajudicial killings (EJK), na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pagpatay ng Davao Death Squad (DDS).
Si Gordon ang chairman ng Senate committee on justice and human rights, na nagsagawa ng imbestigasyon, kasama ang Senate committee on public order and dangerous drugs na pinangungunahan ni Sen. Panfilo Lacson.
Idinagdag ni Gordon na nakatakdag ilabas ang report ng joint panel anumang araw sa susunod na linggo.
“For the moment. That’s my report. E walang na prove e,” sabi ni Gordon.
Iginiit ni Gordon na nabigong ang mga komite na patunayan na meron ngang DDS, taliwas sa testimonya ng umaming dating miyembro nito na si Edgar Matobato.
Nauna nang inakusahan ni Matobato si Duterte na siyang nasa likod ng DDS, kung saan ipinag-utos umano niya ang pagpatay sa mga kriminal at mga kaaway ng siya ay mayor pa ng Davao City.
Idinagdag ni Gordon na inirekomenda na ng joint panel ang paghahain ng mga kasong perjury at murder laban kay Matobato matapos amining marami siyang pinatay noon.
“Like I said last time, mukhang hindi mapagkakatiwalaan yung kanyang statement. Ang dami nyang kasinungalingang sinasabi, pabago bago. Hindi yung inconsistency lang e, vital e,” sabi ni Gordon.
“Baka ma-perjury sya at the least and at most, they will look for murder charges against him because he admitted e,” ayon pa sa senador.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending