Buwis sa sasakyan itataas | Bandera

Buwis sa sasakyan itataas

- October 17, 2016 - 03:58 PM

house of rep

Itataas ng Kamara de Representantes ang ipinapataw na buwis sa mga ibinebentang bagong sasakyan.

Ayon kay Quirino Rep. Dax Cua, chairman ng House committee on ways and means, planong itaas sa 40 porsyento ang ad valorem tax o dagdag na P480,000 sa mga sasakyan na nagkakahalaga ng P1.2 milyon.

Sinabi ni Cua na bukod sa pagtataas ng kita ng gobyerno ay tulong din ito upang mabawasan ang paglaki ng bilang ng mga sasakyan sa kalsada.

“That is a part of our reaction to traffic crisis. Kung maipapasa nga, better to purchase a vehicle before Congress passes [a law on it],” ani Cua.

Bukod dito, sinabi ni House Deputy Speaker Raneo Abu ng Batangas na ipapasa rin ng Kamara ang panukalang Proof of Parking Space Act (House bill 1991) sa Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao at iba pang highly urbanized cities.

“Kahit magparami at magpalaki tayo ng mga kalye, ganyan pa rin ang problema natin sa trapiko kaya dapat nating suportahan ang panukala,” ani Abu.

Sa ilalim ng panukala, ang maaari lamang bumili ng sasakyan ay ang mga may paradahan.

Sinabi naman ni House Deputy Speaker Rolando Andaya na suportado niya ang pagtataas ng buwis sa sasakyan subalit napakataas umano ng panukala ng Department of Finance.

“I am supportive of the measure, but the amount of tax to be imposed under the proposal is too much. There should be an adjustment,” ani Andaya.

Sa ilalim ng panukala, papatawan ng limang porsyentong excise tax ang sasakyan na ang halaga ay P600,000 pababa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung lagpas ito sa P600,000 hanggang P1.1 milyon ang excise tax ay 20 porsyento; kung mahigit P1.1 milyon hanggang P2.1 milyon ang ipapataw ay 40 porsyento; at kung lagpas ng P2.1 milyon at 60 porsyento.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending