Pulse Asia: Taas suweldo, trabaho pinatutukan sa Duterte govt | Bandera

Pulse Asia: Taas suweldo, trabaho pinatutukan sa Duterte govt

Leifbilly Begas - October 17, 2016 - 03:41 PM
  pulse Ang pagtataas ng sahod ng mga empleyado at ang paglikha ng bagong trabaho ang mga bagay na ipinauuna ng publiko sa gobyerno, batay sa survey ng Pulse Asia Research.      Sa tanong kung ano ang tatlong isyu na dapat agad aksyunan ng administrasyong Duterte ang pagpapataas sa sahod ng mga manggagawa na nakapagtala ng 46 porsyento.      Pangalawa ang isyu ng paglikha ng trabaho na nakakuha ng 38 porsyento at sumunod ang pagpapanatili na mababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin na may 37 porsyento at tig-32 porsyento ang paglaban sa katiwalian sa gobyerno at ang pagbawas sa kahirapan.      Sumunod naman ang paglaban sa kriminalidad (31 porsyento), isyu ng kapayapaan (20), pantay na pagpapatupad ng batas (14), pagpapababa ng binabayarang buwis (12), pagtiyak na hindi nasisira ang kalikasan (10), pagkontrol sa paglaki ng populasyon (9), pagtulong sa mga overseas Filipino workers (8), paghahanda sa terorismo (5), pagtatanggol sa teritoryo ng bansa (5), at pagpapalit ng Konstitusyon (2).      Pinakamataas naman ang nakuhang net rating ng Duterte government sa paglaban sa kriminalidad na nasa 86 porsyento (89 porsyentong approve, 3 porsyentong disapprove, 8 undecided) na sinundan ng paglaban sa korupsyon na may 72 porsyento (79 approve, 7 disapprove, 14 undecided).      Sumunod naman ang isyu ng kapayapaan na may 71 porsyento (76-5, 19), pagsaklolo sa mga biktima ng kalamidad na may 70 porsyento (74-4, 23) at pagtulong sa mga OFW 69 porsyento (73-4, 23).      Pagpapatupad ng batas sa lahat na may 66 porsyento (71-5, 24), pagsaklolo sa kalikasan na may 61 porsyento (68-7, 26), pagtatanggol sa teritoryo ng bansa ay 59 (67-8, 26), pagtaas sa sahod na may 56 porsyento (64-8, 28), paglikha ng maraming trabaho na may 52 porsyento (62-10, 28), pagbawas sa mahihirap na may 47 porsyento (59-12, 29) at pagkontrol sa presyo ng bilihin na may 34 porsyento (51-17, 32).      Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents na edad 18 taon pataas. Mayroon itong error of margin na plus/minus 3 porsyento.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending