Tugade kasing palpak ni Abaya | Bandera

Tugade kasing palpak ni Abaya

Bella Cariaso - October 16, 2016 - 12:10 AM

NANG umupo si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ay umasa ang publiko na may mararanasang pagbabago kahit paano sa nararanasang trapik sa bansa. Makalipas ang mahigit 100 araw ng panunungkulan ng administrasyon, tila walang pag-asang maasahan ang mga Pinoy.

Noong nakaraang mga araw, naranasan ang sobrang trapik sa Metro Manila kung saan umabot ng mahigit apat na oras ang biyahe ng maraming commuters.

Ang paliwanag ng DOTr, walang malaking dahilan, talagang malaki lamang ang volume ng mga sasakyan.

Kung hindi ka sanay sa mga punchline ng DOTr, mahuhulog ka na lamang sa iyong kinauupuan.

Ang nais bang mensahe na gustong ibigay ng DOTr ay dapat na sanay na ang mga commuters sa lala ng problema sa trapik sa buong Metro Manila?

Hindi ba’t mismong sa bibig ni Tugade na nasa “state of mind” lamang ng mga tao ang trapik na nararanasan sa Kalakhang Maynila na kalaunan ay bigla niyang binawi at sinabing mali lamang ang pagkakaintindi ng media sa kanyang sinabi.

Hindi na bago sa atin na kapag may nasasabi ang administrasyon na umaani ng mga batikos, ibubunton ang sisi sa media, sa pagsasabing mali lamang ang iniuulat nila.

Ginagawang punching bag ang media sa tuwing may kapalpakan.

Pero sa kaso ng isyu ng trapik sa bansa, hindi pwedeng ang palusot ng DOTr dahil malapit ito sa bituka ng mga ordinaryong mamamayan.

Ano ang silbi na meron pang sariling tagapagsalita ang DOTr kung ang kinakailangang solusyon sa trapik ay hindi maibigay ng pamunuan nito?

Hindi ito madadaan sa palusot at paliwanag–kongkretong solusyon ang kailangan ng taumbayan.
Bumaba ang popularidad noon ni dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III dahil na rin sa kapalpakan ni dating DOTC secretary Joseph Emilio Abaya.

Ibinoto si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa sawa na ang tao sa hindi masolusyunang problema sa trapik sa bansa.

Bukod sa isyu ng trapik, isa ang problema sa kriminalidad sa bansa kaya ibinoto si Duterte na nakikita namang bumababa sa pag-upo ni PNP Chief Bato dela Rosa.

Sa kaso ni Tugade, hihintayin pa ba niya ang mga panawagan na magbitiw na lamang siya sa puwesto dahil sa kabiguang masolusyunan ang problema sa trapik?

Hindi kailangan ng mga Pinoy ang isa pang Abaya sa DOTC na ngayon ay DOTr na. Hindi makukuha sa pagpapalit ng tawag sa ahensiya para mawala ang masamang impresyong iniwan ng dating nakaupo na ngayon ay tila pinagpapatuloy din ni Tugade.

Hindi ba’t mismong si Speaker Pantaleon Alvarez ang umupo sa isang pagdinig sa Kamara para iparating kay Tugade na hindi siya natutuwa sa trabaho ng DOTr at ng mga ahensiyang nasa ilalim nito?

Ngayong papalapit ang kapaskuhan kung saan inaasahan na titindi pa ang problema sa trapik, kinakailangan bang patuloy na magtitiis na lamang ang mga kawawang commuters?

Nasaan na ang pagbabagong ipinangako para masolusyunan ang trapik sa bansa?

Secretary Tugade kung hindi po ninyo kayang solusyunan ang trapik sa bansa, aminin nyo na lamang para hindi bigyan ng maling pag-asa ang publiko at kung kinakailangan ibigay na lamang sa iba na may kakayahan talaga na ayusin ito.

Sa ngayon, ang tanging solusyon na ibinibigay ng gobyerno ay ang emerency power para kay Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi rin dapat idahilan na dahil wala pang batas, magtiis na lamang ang mga tao sa araw-araw na pasakit dulot ng trapik sa bansa na pinalala pa ng patuloy na aberya sa Metro Rail Transit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending