Albie nahirapang gumanap na transgender sa MMK
GAGANAP na transgender ang Kapamilya hunk na si Albie Casino sa isa na namang espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong gabi hosted by Charo Santos.
Isasabuhay ni Albie ang karakter ni Erica, isang OFW na nagdesisyong “magpakababae” habang nagtatrabaho sa ibang bansa.
“Talagang nahirapan po talaga ako sa role na ‘to, sa pagtayo ko, sa paglakad ko, sa boses ko, sa mga nuances ng isang transgender, kailangan kong ibahin, eh.
“Hindi siya natural sa akin so talagang nahirapan po talaga ko pero I’m happy that I was able to do it. Maraming salamat kay Direk Dado (Lumibao) at sa lahat ng nakasama ko sa episode na ito ng MMK,” sabi ni Albie.
Nakausap daw mismo ng binata ang tunay na Erica sa pamamagitan ng Skype, “Tinatanong ko po siya na ano po ‘yung mganuances niya or anong klaseng bakla siya, kung loud ba siya or mahinhin.”
Nang tanungin naman ang aktor kung ano ang matututunan ng mga manonood sa episode na ito ng MMK, “Itong kultura natin, hindi talaga siya very accepting of gays. Oo, parang si Vice Ganda, natatawa ka sa kanya pero ‘pag nalaman mong bakla ‘yung anak mo, bad trip ka. Kahit papaano, gusto kong tumulong sa gano’n kasi hindi naman choice ng tao ‘yun, eh.
“Ako, hindi ko naman choice to be attracted to girls. I just am, di ba? Hindi ko naman siya pinipili na gusto ko ngbabae, gusto ko lang talaga ng babae. Same with them na hindi naman nila pinili maging attracted to the same sex, eh,” esplika pa ni Albie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.