Gordon, de Lima nagkainitan muli sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa EJK
NAGKAINITAN muli sina Sen. Richard Gordon at Sen. Leila de Lima sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate committee on justice and human rights kaugnay ng umano’y extrajudicial killings (EJK) sa harap ng kampanya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra droga.
Nagsimula ang tensiyon, matapos magmosyon si de Lima na payagan si Commission on Human Rights chair Chito Gascon na magsalita para mapakinggan ang paliwanag ng CHR’ matapos ang pahayag ng isang commissioner na bumabatikos kay Gordon at ipagpaliban ang pagtalakay sa death penalty sa isinasagawang pagdinig.
“You can’t control this committee. I don’t want another distraction. We can’t be forever distracted,” sabi ni de Lima.
Idinagdag ni Gordon na hindi naman siya humihingi ng paumanhin mula sa CHR.
Sinabihan ni Gordon si de Lima na tumawag na sa kanya si Gascon para magsori matapos ang naging pahayag ni Commissioner Roberto Eugenio Cadiz Jr., kung saan sinabihan niya na premature ang naging desisyon ng senador matapos niyang isuspinde ang pagdinig kaugnay ng extrajudicial killings at tinawag pa siya nitong duwag.
“Hindi po appropriate na kung anu-anong issue ang hinahalo niyo,” sabi ni de Lima kay Gordon.
Sumagot si Gordon ng: “Anong hinahalo? Ikaw ang naghahalo ng mga issue.”
Idinagdag pa ni Gordon na niliwanag ni Gascon na hindi posisyon ng buong CHR ang naging pahayag ni Cadiz.
Sinabi pa ni Gordon na kuntento siya sa naging pagsosori ni Gascon.
Iginiit naman ni de Lima na ipagpaliban ang pagdinig kaugnay ng panukalang ibalik ang death penalty.
“You can’t control this committee. I don’t want another distraction. We can’t be forever distracted,” giit ni Gordon kay de Lima.
“I am not going to veer from the purpose of this investigation,” ayon pa kay Gordon.
Naging dahilan ito para pormal na magmosyon si de Lima na isuspinde ang pagdinig kaugnay ng death penalty.
Sinabi pa ni Gordon na maglalabas ang komite ng rerpote sa Lunes, na isusumite sa Ombudsman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.